Connect with us

Entertainment

Kahit Walang Lalaki, Ibinahagi na “In Three Years’ Time” Naiisip na Niya ang Magkaroon ng Sariling Baby

Dahil sa hindi na rin bumabata ang edad ng aktres na si Bea Alonzo, ay bukas ang isip at puso ng aktres na magkaroon na ng sarili niyang supling o baby, ito ay kahit nga hindi na siya mag-asawa o kahit hindi na siya makipag-makelove sa isang lalaki.

Ayon nga sa ulat, in three years’ time ay gusto na ngang maging mommy ni Bea, tulad ng ilang mga aktres na naging kasabayan niya sa showbiz na ngayon ay masaya rna sa role sa kani-kanilang buhay bilang mga mommy.

Kamakailan nga lamang ay nakipag-chikahan ang aktres sa latest vlog ng komedyanteng aktres na si Ethel Booba, kung saan ay isa nga sa mga naging usapan nilang dalawa ay patungkol sa pagbubuntis at pagkakaroon na nga ng anak.

Sa naging chikahan nina Ethel at Bea, ay dito na nga naibahagi ng award-winning actress, na nakikita na niya ang kanyang sarili na nag-aalaga ng kanyang baby, ngunit dahil nga sa patuloy pa rin tayong humaharap sa krisis pangkalusugan dulot ng pandemya ay nagdadalawang isip pa rin siya.

Chika pa ni Bea, hindi niya isinasantabi ang pag-gamit ng teknolohiya at siyensya para matupad niya ang kanyang pangarap na maging isang ina.
Batid nga ng marami sa atin na dahil sa mga makabagong teknolohiya at sa matinding pag-aaral ng siyensya ay posible na nga ngayon ang magkaroon ng anak ang isang babae ng hindi nakikipag-makelove sa lalaki, ito nga ay sa pamamagitan ng pagkuha ng ‘surrogate mother’ o tinatawag nga na ‘surrogacy.’

At ang ‘surrogacy’ nga ang maaring isa sa mga gawing paraan ni Bea para siya’y magkaroon ng kanyang sarili anak in the near future.
Pabiro pa ngang sinabi ni Bea sa kaibigang si Ethel, na kung ito ba ay pwedeng gawing surrogate mother.

“Pwede ba kitang kunin na surrogate mother kung sakali?, ani Bea kay Ethel, na ikinagulat nga ng komedyanteng aktres.
“Anong surrogate?”, ang anging katanungan naman ni Ethel sa aktres.

Dito na nga ibinahagi ni Bea kung ano ang surrogate, at nagkabiruan pa nga sila kung magkano ba ang ibinabayad kapag pumayag si Ethel na mag-surrogate mother sa future baby ng aktres.

“Oh guys alam niyo na. Kapag hindi pa ako mabuntis or mag-asawa sa lalong madaling panahon, papa-surrogate na ako”, ani Bea.

Tinanong naman ni Ethel ang aktres, kung kailan ba nito talaga gusto ng magka-baby, at dito na nga sinabi ni Bea na in three years’ time ay talagang plano na niya. Nabanggit pa ni Bea, na baka may donor nalang, kahit wala ng lalaki basta gusto niya magka-baby.

“Pero gusto ko na talagang magka-baby. Kaya sinasabi ko rin to sa universe baka sakaling pagbigyan ako.”

error: Content is protected !!