Connect with us

Uncategorized

Julia Barretto, inamin na ang pagkakaroon na lang ng anak ang kulang sa kanyang buhay ngayon

Julia Barretto ay isa sa mga magagandang artista ngayon. Hindi nga maikakaila ang galing nito sa pag-arte. Dahil galing si Julia sa angkan ng mga artista, talaga ngang namana niya ito. Si Julia ay anak ni Marjorie Barretto kay Dennis Padilla.

Photo Credits: Google.com

Sa edad na 23 years old, mukhang looking forward na si Julia sa pagkakaroon ng baby. Sa isang youtube vlog nito ay naka-chickahan ni Julia ang kanyang kapatid na si Dani Barretto. Ang kanyang kapatid na si Dani, ay anak ni Marjorie kay Kier Legaspi.

Photo Credits: Youtube.com | Dani Barretto

Sa kanilang chikahan magkapatid sa vlog, naitanong ni Dani kay Julia kung ano na lang ang bagay na kulang sa buhay niya ngayon. Ang naging sagot naman ni Julia ay,

Photo Credits: Youtube.com | Dani Barretto

“A baby. It’s true.”
“Yeah. That’s the only thing. I just want a kid. Really, it’s really as simple as that.
“I feel like I have a purpose in this world, and that purpose is to be a mother.
“So, I don’t feel so fulfilled because [I still don’t have it],” Dagdag pa ni Julia.

Ang pakiramdam kasi ni Julia, ang pagiging mabuti at responsableng ina daw talaga ang tunay na misyon na nakalaan para sa kanya. Sabi pa niya, ito na lang daw ang kulang na bubuo sa pagkatao niya, ito na lamang ang “missing puzzle” sa buhay niya. “Yeah, it is. It really is,” saad pa ng dalaga.

Photo Credits: Youtube.com | Dani Barretto

Nang tanungin si Julia kung ano ang nakikita niya sa kanyang buhay 5 taon mula ngayon ang kanyang naging sagot ay ang pagkakaroon ng sariling pamilya. Dahil sa darating na susunod na mga araw ay magce-celebrate na siya ng kanyang ika-24 birthday. Nakikinita niya ang pagiging isang ina ang kanyang magiging kapalaran pagkatapos ng 5 taon at umaasa siya na sa mga panahong iyon ay mayroon na siyang anak.

“That’s just really it. I feel like if you really want to have a lot of kids, you have to start early, I wanna have, like, four, five [kids],”

payahag pa ni Julia.

Inamin naman ng dalaga na siya ay maligaya ngayon sa kanyang buhay, pero kanya ring nilinaw kaagad na hindi lang lovelife ang kanyang tinutukoy rito.

Photo Credits: Youtube.com | Dani Barretto

“Kailangan ba love life agad? Pag wala kang love life malungkot ka na agad? Yun na lang ba ang basis ng happiness love life?
“Hindi pwedeng kahit walang love life happy ka pa rin? Masaya ako kasi masaya family ko. Masaya ako kasi happy ako sa friends ko.”
“Masaya ako, happy ako sa mga work na gagawin ko. Kaya happy ako,”

pagpapaliwanag pa ng dalaga. Depensa pa ni Julia hindi lang naman lovelife ang sukatan ng tunay na kaligayahan.

Photo Credits: Youtube.com | Dani Barretto

Sa kanilang vlog, nabanggit ni Julia ang ilan sa mga kontrobersiyang kinasangkutan niya noon, at natanong siya kung may payo ba siyang maibibigay sa sarili niya. Iginiit ng aktres na wala daw siyang pinagsisihan sa kanyang mga naging desisyon niya na nangyari sa buhay niya noon.

“I wouldn’t change anything. Even what I went through two years ago, I wouldn’t change a thing. Because it was such an eye-opener and it revealed a lot of things to me that later on I need in my life,”

saad pa niya.

Para kay Julia ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang ipagpapatuloy niya lang ang kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

“I really wouldn’t change a thing. I don’t mind going through it all again,” dagdag pa niya.

Matapang namang hinaharap ngayon ni Julia ang kanyang sarili sa kabila ng nararanasan niyang mga isyu ngayon sa buhay. Ang tanging mahalaga na lamang para sa kanya ngayon ay ang kanyang pamilya at ang kanyang mga totoong mga kaibigan na laging andyan para sa kanya.

error: Content is protected !!