Julia Barreto, Ibinida ang Kanyang Taglay na Kagandahan sa Kanyang Naging Birthday Shoot Pictorial

Isa sa mga pinag-uusapang aktres ngayon sa mundo ng showbiz, ay ang napakaganda at popular na 24-taong gulang ng aktres na si Julia Barretto. Ito nga ay matapos aminin ng matagal ng nali-link sa kanya na aktor na si Gerald Anderson na silang dalawa ay mayroon ng relasyon.

At ito nga lamang ika-9 ng Marso, araw ng Martes, ay muling nagbigay ingay ang pangalan ni Julia sa mga netizens. Ito’y matapos kumalat online ang kanyang mga nag-gagandahang larawan, na talagang nagpamangha sa kanyang mga tagahanga.

Base sa naging ulat ng PUSH, ang mga larawan na ito ni Julia na lumabas online, ay kuha sa kanyang ginawang birthday pictorial.

Makikita nga ang isang larawan ng aktres, kung saan ay lutang na lutang ang kanyang taglay na kagandahan habang naka-pose at nakasuot ng beach sexy outfit.
Kitang-kita rin sa mga larawan ng aktres ang kanyang taglay na kaseksihan at karisma.

Ang mga naturang larawan ni Julia, ay kinunan umano ng photographer na si BJ Pascual. Ito nga ya makikita sa ‘behind the scene footage’ sa ibinahaging vlog nito.
Samantala, ilang araw matapos aminin ng aktor na si Gerald Anderson sa publiko ang totoong relasyon nila ni Julia, sa naging one-on-one talk niya kay Tito Biy Abunda, ay buong tapang na ring isinapubliko ng aktres ang kanyang nararamdamang pagmamahal para sa nobyong aktor.

Noon ngang ika-7 ng Marso, sa naging pagdiriwang ni Gerald ng kanyang kaarawan, ay makikita sa Instagram ni Julia, ang naging mainit na pagbati nito para sa aktor, kung saan ay mas nagpaklaro pa sa mga netizens ng tunay na namamagitang relasyon sa kanilang dalawa.

“Every day I celebrate you, but today I am extra grateful. Happy birthday my love, I am so PROUD OF YOU “, saad ng ani Julia sa kanyang IG post, kung saan ay nakalakip pa ang sweet na sweet na larawan nila ng aktor.

Matatandaan na nagsimulang ma-link sa isa’t isa si Julia Barretto at Gerald Anderson noong taong 2019, matapos nilang magsama at maging magkatambal sa isang malaking proyekto, at ito nga ay ang “Between Maybes.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *