Jinkee Pacquiao, Ibinahagi ang Nakakatuwang Larawan ng kanyang Asawang si Manny Pacquiao at Bunsong Anak na si Israel Habang Magkasamang Kumakain

Isa nga napakahalagang bagay upang mapanatiling matatag at masaya ang samahan ng isang pamilya ay ang pagkakaroon ng bonding o oras sa isa’t isa sa loob ng tahanan.

Mahalaga rin na habang bata pa ang ating mga anak, ay magkaroon tayo ng oras sa kanila dahil ito ang kanilang magiging pundasyon sa kanilang paglaki. At ang masayang alaala ng kanilang kabataan, ay madadala nila hanggang sa kanilang pagtanda.

Photo Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Hindi nga maiwasan ni Jinkee Pacquiao na matuwa matapos masaksihan ang precious moments ng kanyang mag-amang Manny Pacquiao at bunsong anak na si Israel.

Mahalaga naman talaga na makasama ni Israel ang kanyang ama habang bata pa siya kahit sa simpleng bonding nilang mag-ama. Sa Instagram ni Jinkee, ay ibinahagi niya ang larawan ng kanyang mag-ama habang magkasalo sa hapag na kumakain.

Photo Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Isa pa sa kahanga-hanga sa nasabing larawan, ay ang makitang pagdarasal ni Sen. Manny bago kumain. Isang magandang katangian at halimbawa para kay Israel na kanyang matututunan sa kanyang mga magulang.

Sa caption nga ng post ni Jinkee, ay hindi niya maitago ang saya na talagang nagpaantig sa kanyang puso habang nakikita niya ang masayang bonding ng kanyang mag-ama.

“It melts my heart when i see them enjoying their time together! ✨🤍 #dinner #fatherandsongoals,” saad ni Jinkee sa kanyang IG.

Hindi naman na lingid sa marami ang pagiging mabuti at responsableng ama ni Sen. Manny sa kanyang mga anak. Sa kabila nga ng tinatamasang karangyaan sa kanilang pamumuhay, ay hindi parin nawawala sa kanilang pamilya ang pagiging humble. Maipagmamalaki rin ng mag-asawang Jinkee at Sen. Manny ang mabuting asal ng kanilang mga anak.

Photo Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Hindi naman maikakaila na talagang napakapalad ng kanilang pamilya, hindi lamang sa materyal na bagay kundi, pati na rin sa kanilang magandang samahan bilang isang pamilya na hindi matutumbasan ng anumang salapi.

Photo Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Ang bawat oras na sila’y magkakasama, ay talaga nga namang kanilang sinusulit ang bawat sandali. Dahil ang oras, upang mabuo ang isang masayang alaala ay hindi ba maibabalik pa kapag lumipas na ang panahon.

Photo Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Tunay nga na ang pamilya Pacquiao, ay isang magandang halimbawa sa publiko upang tularan ng marami, lalo na sa pagkakaroon ng isang masayang pamilya na puno ng pagmamahal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *