Jake Ejercito, masayang pinuri si Andi Eigenman sa pagiging mabuting ina sa kanilang anak na si Ellie

Ang pagiging isang magulang ay isang panghabang-buhay na responsibilidad. Lahat ng pagsisikap ay ginagawa ng isang magulang upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak. May mga pagkakataon man na hindi nabibigyan ng isang magulang ang kanilang anak ng kumpletong pamilya, ang mahalaga naman ay tinatayuan pa rin nila ang kanilang pagiging magulang sa kanilang anak. Ganito na lamang gampanan ng aktres na si Andi Eigenman at aktor na si Jake Ejercito ang kanilang pagiging magulang sa anak nilang si Ellie.

Photo Credits : Andi Eigenman | IG

Sa kabila ng mga intriga nila noon ay nagawa pa rin nilang maisaayos ang kanilang mga buhay lalo pa’t para sa kanilang anak na si Ellie. Ngayon ay maayos na ang samahan nila Jake at Andi, ginagampanan nila pareho ang kanilang responsibilidad para sa kanilang anak.

Photo Credits : Andi Eigenman | IG

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Jake sa kanyang facebook account, ang kanyang personal na pagsundo sa anak niyang si Ellie sa Isla ng Siargao. Si Ellie ay nagstay ng Siargao kasama ang kanya mommy Andi at mga kapatid nito. Bago bumalik ng Manila, ang mag-ama ay nag-enjoy muna pananatili nila sa Siargao. Nagbonding muna silang dalawa, si Ellie mismo ang naging tour guide ng kanyang daddy Jake sa pagpunta nila sa magagandang lugar ng isla.

Photo Credits : Facebook.com | Jake Ejercito 

Sa isa pang post ni Jake, mapapanood ang isang video clip ng kanilang masayang summer bonding lalo na ang pagswi-swimming nila sa isla. Ika niya sa kanyang post na may caption na, “Been receiving lots of positive comments about me being a ‘good’ dad to Ellie”.

“Though I am truly humbled by and appreciate all the kind words, I honestly don’t think I’m doing anything special. I’m just trying to be the best dad for my daughter.”

“With that said, I’d also like to point out that I couldn’t have done it alone, especially at the beginning at such a young age and in a less than ideal situation,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Jake, “God knows how it would’ve turned out without the guidance and support extended to me/us by my parents, siblings, relatives, friends, and our kasambahays. And of course, Andi’s been a great co-parent too. They da real MVP’s!”

Photo Credits : Andi Eigenman | IG

Malaki ang pasasalamat ni Jake kay Andi dahil napalaki niyang mabait at malambing na bata si Ellie. Kaya naman, masayang pinuri ni Jake si Andi sa pagiging responsableng ina kay Ellie na kahit may pagkukulang siya bilang ama ay napunan iyon ni Andi. Naging bukas si Andi sa pagkakataon na maging ama si Jake kay Ellie sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan. Ngunit ang intriga ay hindi na naging mahalaga para kay Jake, dahil ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang makasama ang kanyang anak at mabigyan ito ng masaya at maayos na buhay.

Photo Credits : Facebook.com | Jake Ejercito 

Masayang ibinahagi ni Jake ang kanilang first pool day nila ni Ellie in almost 2 years na nakalipas at ito ay may caption na, “Anyway, here’s a clip of our first pool day in almost 2 years. Cheers from Siargao!”

Photo Credits : Facebook.com | Jake Ejercito 

Sa pagtatapos ng kanilang summer bonding nila ni Ellie, na realize ni Jake na wala ng ibang mas masarap sa pakiramdam kundi ang makasama ang kanyang anak. Isang masayang bahagi ng kanilang buhay ang isla ng Siargao.