Ivana Alawi, Naiyak sa Ipinakitang Kabutihan ng Taong Tumulong sa Kanya Matapos Niyang Magpanggap na Pulubi sa Kalye

Isa na namang vlog na puno ng inspirasyon ang hatid ni Ivana sa kanyang mga tagahanga nito lamang ika-14 ng Marso sa kanyang Youtube channel. Kung sa ibang vlog ni Ivana ay humahalakhak tayo sa saya dahil sa kanyang mga nakakatuwang vlog, sa pagkakataong ito, ay babaha naman ang ating luha sa ating mga mata dahil tiyak na maaantig ang ating mga puso sa kakaibang vlog na ito ng sikat ng vlogger.

Madalas ng gumawa ng prank si Ivana sa kanyang pamilya, upang maghatid ng saya sa mga viewers. Ngunit, ngayon nga, ay mga taong makikita niya sa kalye ang kanyang ipaprank na binigyan naman ng kakaibang pakulo ng aktres.

Sa latest vlog ni Ivana, ay nagpanggap siya bilang isang pulubi na talagang hindi makikilala na siya pala si Ivana. Ang kanyang magulong buhok, madungis na mukha at maduming damit, ay talagang masasabi na isa siyang gusgusing pulubi sa kalye. Kompleto rin ang outfit ni Ivana bilang pulubi dahil may dala rin siyang karatula, at ang nakasulat dito ay nanghihingi siya ng tulong na pamasahe para makauwi sa Baguio.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Kakaiba ang prank ni Ivana ngayon, dahil kung sino man ang tumulong sa kanya at magbigay ng kahit na maliit na halaga ng barya, ay kanya naman itong papalitan ng libo-libong halaga. Ginawa ni Ivana ang vlog niyang ito, ang magpanggap na pulubi dahil naniniwala siya na may mga tao paring may mabubuting kalooban, at tutulong kahit na sila mismo ay walang wala rin sa buhay.

Una ngang nilapitan ni Ivana ang isang lalaki sa daan kung saan ay agad namang inabotan si Ivana ng dalawang piso. At bilang gantimpala sa kabutihan nito, ay binigyan ito ni Ivana ng P2000 na ikinagulat nito. Laking pasasalamat naman ng lalaki dahil hindi niya akalain na mabibigyan siya ng pera ni Ivana.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sumunod naman, ay nagtungo si Ivana sa gasolinahan at nanghingi sa gasoline boy ngunit nabigo si Ivana dahil hindi siya nito binigyan ng barya. Hanggang may dumating na isang lalaki kung saan ay inabutan siya ng sampung piso. Dahil nga, ikinatuwa ni Ivana ang kabaitan nito, ay ginantimpalaan ito ni Ivana ng P10,000. Labis naman ang saya nito, at sinabi niya hindi niya akalaing makakatanggap ng napakalaking halaga.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

May nakita naman si Ivana na lalaking nagtutulak ng kanyang paninda sa kalye, at agad nga itong nilapitan ng aktres upang manghingi ng barya. Hindi naman nabigo si Ivana, at binigyan siya nito ng sampung piso. Laking gulat naman ng lalaki ng kumuha si Ivana sa dala niyang bag ng P10,000 at ibigay rito. Labis labis ang pasasalamat ng lalaki kay Ivana dahil napakalaking tulong na ito.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Naantig naman ang puso ni Ivana sa grupo ng Barangay Volunteers, at isang babae ang agad siyang binigyan ng bente pesos. Inalok pa nga nito si Ivana na maligo sa bahay nila at magbihis ng maayos na damit. Dahil dito, ay napahanga si Ivana sa napakabuting pusong taglay nito, kung kaya’t binigyan ito ni Ivana ng P20,000.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Nagtungo naman si Ivana sa isang park kung saan marami ang nagpaabot ng tulong sa kanya. May tindero ng mani, at may natitinda ng paintings na nagbigay ng bente pesos. Ang nagtitinda ng paintings ay binigyan ni Ivana ng P20,000 at P1,000 naman sa tindero ng mani. May isa ring babae na nag-abot ng limang piso at binigyan naman ni Ivana ng P5,000.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Samantala, ang mag-asawa namang nagtitinda sa gilid ng daan, ay binigyan si Ivana ng limang piso. Dahil una palang ay nakipagkwentuhan na ang lalaki, nakiupo muna si Ivana at binigyan pa siya nito ng pagkain. Laking gulat nga ng lalaki nang abutan siya ni Ivana ng P5,000 na ipinagpasalamat naman nito.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Ngunit, sa lahat ng nakausap at taong nagbigay kay Ivana ng barya sa kalye, ang pinakahuling taong tumulong sa kanya ang labis na nagpaantig sa kanyang puso, kung saan ay talagang napaiyak si Ivana dahil sa labis nitong kabutihan. Ito nga si Tatay na 58 taong gulang, na nagtitinda ng puto at kutsinta.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sa paglapit nga ni Ivana, ay bente pesos ang ibinigay ni Tatay sa kanya. Umupo naman si Ivana sa tabi ni Tatay,upang makipagkwentuhan. Hindi lamang pera ang ibinigay ni Tatay kay Ivana kundi may kasama pang kutsinta para maging baon umano ng aktres sa kanyang paglalakad sa kalye. Hindi lamang nga ito, kundi nais pang bilhan ni Tatay si Ivana ng coke para inumin. Hindi na nga napigilan pa ni Ivana ang kanyang emosyon at tuluyan na siyang napaiyak dahil sa ipinakita nitong kabutihan sa kanya. Na kahit nga, walang-wala rin ito sa buhay, ay nagagawa pa ring magpaabot ng tulong sa iba.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Dahil nga dito ay binigyan ito ni Ivana ng P20,000 na labis nitong ikinagulat. Hindi rin akalain ni Tatay na ang kausap niya pala ay si Ivana. Labis ang pasasalamat ni Tatay sa biyayang kanyang natanggap dahil napakalaking tulong ito para sa kanyang pamilya at makakabili na rin siya ng bisikleta para magamit sa kanyang hanapbuhay.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Napatunayan nga ni Ivana, na sa kabila ng nararanasang hirap ng marami, ay hindi parin talaga mawawala ang kabutihan sa puso ng mga Pinoy. Talagang naantig ang puso niya, na may mga tao paring handang tumulong kahit na hirap rin sa buhay.

Samantala, si Tatay na nakausap at tumulong kay Ivana, ay hindi maalis sa isip ng aktres. Kaya naman, nais pa ni Ivana na tulungan pa ito sa abot ng kanyang makakaya dahil sa napakabuti nitong puso.

PRANK ON STRANGERS ON THE STREET! *UMIYAK AKO DI KO KINAYA* | IVANA ALAWI

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *