Ivana Alawi, Enjoy na Enjoy sa Bakasyon sa Bataan Kasama ang Pamilya Dahil sa Nakaka-Relaks at Ganda ng Tanawin ng Lugar

Kamakailan nga lamang ay muling nag-explore ang actress-vlogger na si Ivana Alawi sa isa na namang maipagmamalaking lugar ng ating bansa, at ito nga ay sa isang napakaganda at nakaka-relaks na bakasyunan sa probinsya ng Bataan.

Sa una ngang bahagi ng vlog ni Ivana, ay ipinasilip niya agad ang magandang tanawin ng lugar na kanilang kinaroronan, at ayon nga sa popular na vlogger, ang naturang lugar kung saan siya naroroon ay sa “Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort”, na matatagpuan nga sa Bagac, Bataan.

Puring-puri ni Ivana ang naturang lugar, dahil sa talaga namang hindi makapigil hininga ang napakagandang tanawin nito. Ayon pa sa actress-vlogger, isa ang naturang lugar sa mga pinakamagandang lugar na kanyang napuntahan sa ating bansa, lalo pa’t unang beses niyang nakarating dito.

Ibinahagi rin niya kung ano-ano ang mga maipagmamalaki ng naturang lugar, ang villa na kanilang kinaroroonan, na ayon nga sa kanya ay may limang villa pa lamang, ngunit ang ikinaganda nito ay may privacy ang bawat bakasyunista na magtutungo dito, dahil sa may sariling swimming pool ang bawat villa at sariling lunch area.
Dagdag pa nga ng aktres, tila “European Bali Inspired” ang tanawin sa Bataan, dahil sa napaka-refreshing ng tanawin nito. Maliban sa sariwang hangin, ay tanaw na tanaw mo rin ang luntiang tanawin.

Samantala, ang vlog ngang ito ni Ivana ay may titulong “Trip to Bataan With Family”, dahil kasama nga niya dito ang kanyang pamilya, kabilang ang kanyang ina, kapatid niyang si Hash at Mona, at ang kanyang PA.

Kapansin-pansin naman na tila kapamilya ang turing nina Ivana at kanyang pamilya sa kanyang PA, dahil sa nakikipagkulitan at kwentuhan din ito sa kanila.
Ayon naman kay Ivana, “three days at two nights” silang mamalagi sa nasabing Villa, ngunit kung wala lang umano talaga siyang trabahho, ay nanaisin niya pa ang mag-extend sa naturang lugar dahil sa kabilib bilib na ganda nito.

Nagsimula ngang mamasyal ang pamilya, at isa sa kanilang mga ginawa na labis silang nag-enjoy ay ang pag-picnic sa isang magandang tanawin, kung saan ayon nga kay Ivana ay tila tanawin sa Africa.

Bago pa man ang nasabing picnic, ay masaya munang nag-pictiorial ang pamilya, at kitang kita nga kung gaano sila kasaya habang nagkukulitan sa pictiorial na kanilang ginagawa.

Nang magsimula na ngang mag-picnic si Ivana, kasama ang ina at dalawang kapatid ay makikita ang kasimplehan ng kanilang pamilya, dahil sa “kamayan” ang kanilang naging pagkain, kung saan wala silang gamit na anumang mga kobyertos habang sila’y kumakain, kundi ang kanila lamang mga kamay.

Ipinagmalaki rin ng actress- vlogger sa kanyang vlog ang ‘special tea’ ng nasabing lugar.

Saad pa nga ni Ivana sa kanyang vlog, ngayon ay nais niya ng e-explore pa lalo ang mga magagandang lugar sa ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *