Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi at Kutsinta Vendor na Nagpa-Iyak sa Kanya, Muli ng Nagkatagpo at Tinupad nga Ang Kanyang Pangako na Mas Bibigyan Niya pa Ito ng Tulong

Kamakailan lamang ng maging viral online ang “pulubi prank” ng actress-vlogger na si Ivana Alawi, kung saan ay marami nga sa mga nakapanood ng naturang video vlog niya ang napaluha, dahil sa naging emosyonal nga si Ivana ng maka-krus niya ng landas sa kalye, ang isang 58-taong gulang na kutsinta vendor na tumulong sa kanya sa kabila ng kakapusan din nito sa buhay.

Matapos nga ang naturang pulubi prank ni Ivana, at ang kanyang naging karanasan ng araw na iyon, lalo na ang pagkrus nila ng landas ng matandang nagtitinda ng kutsinta na nakilalang si tatay Joselito, ay hindi na nga ito nawala sa isip pa ni Ivana. At sinabi nga niya, na ipapahanap niya ito, upang mas mabigyan pa ng tulong, dahil sa talagang napukaw nito ang kanyang damdamin sa kabaitan na ipinakita nito sa kanya ng magpaggap siyang isang pulubi.

At ngayon nga, ilang araw lamang ang lumipas, ay muli ng nakatagpo ni Ivana si tatay Joselito.
Kumakalat nga ngayon sa social media ang ilang mga larawan ni Ivana Alawi, kung saan ay makikita nga na kasama na ng aktres ang kutsinta vendor na kanyang ipinahanap dahil sa pina-iyak talaga siya nito nung nag pulubi prank siya, ng magpakita ito ng labis na kabutihan sa kanya.

Matatandaan nga na naging kaantig-antig ang tagpo nina Ivan at tatay Joselito noong una silang magtagpo sa gilid ng kalsada. Ito nga ay matapos bigyan ni tatay Joselito si Ivana ng pera, kutsinta na tinda nito, maliban pa sa inalok nito na bibilhan niya ito ng softdrinks habang ang vlogger-actress nga ay nagpapanggap na isang pulubi na namamalimos na umuwi patungo sa Baguio.

Sa mga kumakalat ngang larawan ngayon, na ibinahagi ng mga tagahanga ng Kapamilya star, ay makikita na nga na kasama na nito si Tatay Joselito, kung saan isa sa mga larawan ay ipinapakita na ang dalawa ay nasa loob ng isang appliances store. May larawan din si Ivana, na makikita naman na ito ay nakasakay sa motorsiklo.

Pinaniniwalaan naman ng mga netizens na ang lahat ng mga ito, na pinamili ni Ivana ay para nga kay tatay Joselito, dahil sa sinabi nga nito noon na kapag nakatagpo niya muli ang 58-taong gulang na matanda, ay mas tutulungan niya pa ito.

Maliban pa nga sa mga nasabing larawan, ay mayroon ring video na kumakalat, kung saan naman makikita na magkasama kumakain si Ivana at tatay Joselito.

Nakuha nga ni tatay ang loob ni Ivana, ng magpanggap ang actress-vlogger na pulubi, kung saan nga ay talagang nakita niya ang pagiging matulungin at mabuti ni tatay sa kanyang kapwa sa kabila ng pagiging kapos rin nito sa buhay.

“Sobrang bait niyo Tatay, pinaiyak niyo ako”, ang naging sambit nga ni Ivana kay Tatay Joselito noong tulungan siya nito, habang siya’y nagpapanggap na pulubi.
“Ganyan talaga ako Ma’am pag may naghihingi ng tulong sa akin. Binibigyan ko”, ang naging sambit naman kay Ivana, ni Tatay Joselito.

Si Tatay Joselito nga ay isang 58-taong gulang na kutsinta vendor, na tubong Ormoc city, ngunit ngayon ay ninirahan na sa Laguna kasama ang kanyang pamilya.

error: Content is protected !!