Isang Security Guard, Nag-uulam ng Sibuyas at Bawang para Lamang Makatipid at Makapadala ng Mas Malaking Pera sa Kanyang Pamilya

Pagdating sa usapang pamilya ay talagang hindi natin maipagkakait kung gaano natin sila kamahal. Kaya naman, matindi rin ang ating sakripisyo para lamang mapunan ang kanilang pangangailangan.

Isang security guard mula sa Malaysia ang nagpaantig sa puso ng marami sa ginawa niyang sakripisyo para sa kanyang pamilya. Ito nga ay matapos makita ang kanyang kalunos-lunos na larawan habang kumakain. Sa halip kasi na totoong ulam, ay sibuyas at bawang ang laman ng baon nito, na siyang ipinares sa kanin na nilagyan lamang ng sabaw.




Ayon sa nagpost ng larawan na si Apit Lid, ang sahod ng security guard ang tulad rin ng ibang manggagawa, ngunit dahil nga mas iniisip nito ang kapakanan ng kanyang pamilya, kung saan ay mahal na mahal, ay matinding pagtitipid umano ang ginagawa nito upang mas malaking pera ang maipadala sa pamilya.

Sa sobrang pagtitipid nga ay hindi hihigit sa 100 Malaysian ringgit o katumbas ng Php 1,170, ang kanyang nagagastos sa loob ng isang buwan. At ang natitirang pera sa kanyang sahod ay ipinapadala niya lahat sa kanyang pamilya.

Naantig naman ang puso ni Apit sa kabutihan at sakripisyo ng security guard para sa kanyang pamilya. Kaya naman, ay nagmalasakit si Apit, kung saan sa tuwing may extra siyang budget ay binibilhan niya ito ng pagkain.




“Hopefully everything will be alright for him,”caption ni Apit sa kanyang post.

Matapos maipost sa social media ang larawan ng security guard, ay umani ito ng paghanga mula sa mga netizens. Marami ring mga Pinoy netizens ang tila nakarelate sa sitwasyon ng security guard na para lamang makapagpadala sa pamilya, ay kailangan nilang magtipid.

Marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang positibong komento at nainspire sa kwento ng security guard.

“Isang tingin ko pa lang nakaka-touch na. Security guard din asawa ko. Minsan kanin lang baon niya walang ulam,” kumento ni Chona Acuin Elorza.

“Sige lang, kuya. Makararaos ka rin niyan. Ganyan kami dati. Ni ultimo pisong bawang uutangin pa namin. Hindi ka nag-iisa, kuya.”

Bagama’t kahanga-hanga ang sakripisyong ginawa ng security guard, may ilan naman na nagbigay ng payo, na sana raw ay wag rin nitong pabayaan ang sarili upang maging malusog at maayos na makapagtrabaho para sa pamilya.



Ayon sa employment website na Indeed, sa Malaysia, ang security guard ay karaniwang kumikita ng humigit-kumulang 1,500 Malaysian Ringgit kada buwan na katumbas naman ng Php 15,400 sa Pilipinas. Sa madaling salita, ay malaki naman ang sahod ng security guard, ngunit mas pinili parin nitong tipirin ang sarili upang mas malaking pera ang maipadala sa kanyang pamilya.