Isang pamilyan ginawang inspired Oasis Bali pool ang kanilang rooftop na dati palang ‘Sampayan’

Sa panahon ng pandemiya halos lahat ng tao ay nanatili na lamang sa loob ng kanilang mga bahay. Kung kaya’t maraming parte ng bahay ang nabago dahil ito ang pinagka-abalahan lalong lalo na ng ating mga nanay at tatay. Isa na lamang dito ang nakaka-inspired na paggawa sa isang espasyo ng bahay na naging isang napaka-gandang pool.

Ibinahagi ito si Raj Bay na isang digital marketer sa isang event production company, sa kanyang facebook page na Home Buddies. Ayon kay Raj, mahilig daw talaga ang kanyang pamilya sa mga travel upang mag-unwind at mag-relax. Dahil nga naging limitado na lamang ang paglabas ng mga tao nagkaroon sila ng ideya na ang kanilang dating rooftop na ginawa nilang sampayan ay ginawang nilang rooftop pool.

Photo Credits: Google.com

Pagbabahagi ni Raj, ito ay ginawa ng halos 30 araw upang magawa ito na rooftop pool. Naging inspirasyon ni Raj, ang Oasis Bali dahil ito ang kanyang pinaka-paboritong puntahan na lugar. Kaya gumawa siya ng sariling bersyon niya ng Oasis Bali pool upang kahit pandemiya ay magagawa pa rin nila ang mag-enjoy.

Photo Credits: Google.com

Ang kanilang rooftop ay dati nilang sampayan, at ito ay may na 40-square meters na sukat halos 15 taon nila itong naging sampayan. Kaya napag-isipan ng pamilya ni Raj, na may potensiyal na maglagay ng isang rooftop pool. Dahil malapit na ang kaarawan ni Raj at ng kanyang ina, tamang tama sa panahon ng tag-init kaya naisipan nilang gawin na itong rooftop pool.

Photo Credits: Google.com

Makikita sa larawang ibinahagi ni Raj ang napakaganda nilang rooftop pool, parang nasa ibang bansa na din ang itsura ng kanilang rooftop pool. Ang kanilang rooftop pool ay may mga gazebos, mga unan sa sahig, at may isang pribadong pool kung saan ito ay mukhang nasa Bali villa. Ang pagbuo nila sa kanilang rooftop pool ay swak na rin sa kanilang budget dahil ang kanilang pool ay isa lamang non-inflatable kiddie pool na hugis parihaba lamang.

Photo Credits: Google.com

Nagpagawa rin si Raj, ng kahoy na decking sa paligid upang may pagkapitan ang kanilang non-inflatable pool. Naglagay rin sila ng mga lumang metal frame bilang mga deck frame nito. Nagpalagay rin si Raj ng isang filter kung saan napapalitan ang tubig para sa pool. Nag-set up rin sila ng isang pipe ng PVC mula sa tangke ng tubig hanggang sa pool.

Photo Credits: Google.com

Naglagay rin si Raj ng isang pahingahan na parang mini sala, gamit ang kanilang lumang tent ng kanilang garden na halos 5 taon na nilang hindi nagagamit. Nagdagdag rin siya ng mga iba’t ibang palamuti katulad ng mga bilog na unan na inorder pa niya online. Gumamit rin siya ng printed na tela na kaniyang pinambalot sa mga unan na kanilang ginamit upang maging upuan at mesa.

Photo Credits: Google.com

Ang tolda na kanilang ginamit ay binalutan nila ng puting kurtina kung saan ito ay hindi tinatagusan ng tubig kung umuulan. Nagset-up rin ang pamilya ni Raj ng isang mini-kitchen kung saan ito ang kanilang magiging lugar para sa kanilang almusal. Pati ang mga halaman ng kanyang mommy ay nagamit din nilang pang dekorasyon.

Photo Credits: Google.com

Ibinahagi rin ni Raj ang kabuuang gastos nila para sa mga pagsasaayos ng kanilang rooftop pool na humigit sa Php50,000 lamang at dalawa lamang ang kanilang kinuha na laborer para makatulong na rin sila sa mga kakilala nilang nawalan ng trabaho dahil sa pandemiya. Tips ni Raj sa mga gustong gawing kaaya-aya ang parte ng kanilang mga bahay, una ay maging wais sa pagbudget at ang ikalawa ay gumamit ng mga bagay na pwede pa namang magamit muli upang makatipid.

Kaya ngayon ang pamilya ni Raj ay mag-eenjoy na sa paparating na hataw ng tag-init kahit hindi na nila kailangan pang lumabas ng bahay.