Connect with us

Stories

“Diskarte hindi arte” Dating Flight Attendant, Hindi Ikinahiya ang Pagbebenta ng Street Foods Matapos Mawalan ng Trabaho

Dulot ng pandemiya maraming tao ang nawalan ng trabaho. Karamihan sa kanila ay nagsusumikap na lamang na makahanap ng mapagkikitaan upang mabuhay. Kagaya na lamang ng isang dating flight attendant na nawalan ng trabaho.

Si Leigh Isis Nazaredo na dating flight attendant, isa siya sa mga naapektuhan ng pandemiya. Mula sa Php 50, 000 hanggang Php 70, 000 niyang sinasahod bilang isang flight attendant bawat buwan.




Halos panghinaan ng loob si Leigh ngunit hindi naging hadlang ang pandemiya upang hindi niya masuportahan ang kanyang pamilya. Kaya imbis na manatili lamang siya sa kanilang bahay ay naisipan ni Leigh na magkaroon ng negosyo na kanyang palalaguin upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Photo Credits: Facebook.com | Leigh Isis Nazaredo

Nagdesisyon si Leigh na magbukas ng sarili niyang street food stall upang may pangtustos siya sa kanyang pamilya. Ayon kay Leigh, naisip niya agad ang kanyang pamilya kung paano niya ito masusuportahan ngayong wala na siyang trabaho, na talaga namang napakahirap para sa kanya.

Kaya naisipan niya ang pagbebenta ng mga street foods na isa sa mga pagkaing halos gusto ng karamihan. Dagdag pa niya, hindi niya ikinahihiya ang pagbebenta ng mga street foods kagaya ng mga fishball at kikiam dahil ito ang mga pagkaing gusto nilang magkapatid. Ito ang kanilang naging idea upang magbukas sila ng business.

Photo Credits: Facebook.com | Leigh Isis Nazaredo

Photo Credits: Facebook.com | Leigh Isis Nazaredo

Kaya naman ito ay pumatok rin, dahil isa ito sa mga pagkaing pinoy na kinagigiliwan ng karamihan. Ipinangalan ni Leigh ang kanyang business sa kanilang inampong pusa na si Moonie, kaya ang pangalan ng kanilang food stall ay “Mini Moonie’s Corner”.




Kagaya ng kanyang pusa na si Moonie na “small and terrible”, na magagawa nilang maghanap ng paraan upang mabuhay kahit sa maliit lamang na paraan

.

Photo Credits: Facebook.com | Leigh Isis Nazaredo

Si Leigh ay nagbigay ng inspirasyon sa maraming mga tao lalo na sa mga taong nawalan ng trabaho na maging “madiskarte” lamang sa buhay upang mabuhay. Pinatunayan niya na kaya niyang bumangon sa kabila ng naging dagok niya sa buhay para sa kanyang pamilya. Tunay ngang isang inspirasyon ang kanyang kwento.

error: Content is protected !!