Connect with us

News

Lalaki, Wala ng Matirhan Matapos Nakawin ang kanyang Side Car na tanging Ikinabubuhay at tinutulugan

Sa hirap ng buhay may mga tao talaga na ginagawan ng masama ang kanilang kapuwa. Na nagdudulot ng mas lalong pahirap sa mga kagaya nilang hikaos na sa buhay. Kagaya na lamang ng nangyari sa isang sidecar driver na ninakawan ng sidecar na ito mismo ang kanyang tirahan.




Ayon sa netizen na si Angelita Flores, sobrang naawa siya sa lalaking sidecar driver na nawalan ng tirahan at wala rin namang mga kamag-anak sa Manila. Ang sidecar na mismo ang nagsisilbing tirahan nito. Ang lalaking ito ay si Arman, nakakaawa ngayon ang kanyang kalagayan dahil wala na siyang mapagkikitaan upang mabuhay niya ang kanyang sarili. Kaya ngayon sa kalye na lamang ito naninirahan.

Photo Credits: Facebook.com | Angelita Flores

Ayon Angelita, kwento sa kanya ni Arman ninakaw raw ang kanyang sidecar kamakailan. Nagkaroon na rin ng sakit si Arman dahil sa pananakit ng katawan nito dahil sa semento na lang ito natutulog sa may bangketa lamang at nahihirapan na rin siyang makatayo dahil sa sobrang sakit umano ng balakang nito, may sugat sa leeg at namamaga, nilalagnat at nanginginig din ito.

Photo Credits: Facebook.com | Angelita Flores

Dahil sa awa sa kanya ni Angelita humingi siya ng tulong sa may mabubuting kalooban na matulungan ang lalaki na maipagamot ito at mahanap ang kanyang sidecar.




Wala na di-umano itong tirahan dahil ang kanya mismong itinuturing na tahanan ang nanakaw sa kanya.

Photo Credits: Facebook.com | Angelita Flores

Dagdag pa ni Angelita sa kanyang post,

“Kung meron po kayo mga damit na hindi na ninyo ginagamit puwede n’yo po i-donate kay Kuya Arman. Wala po kasi siyang masuot kundi ‘yung binigay lang namin sa kanya.”

Nasabi rin ni Angelita na kinuha na ng DSWD ang lalaki upang dalhin ito sa ospital upang maipagamot. Kaya siya ngayon ang nanawagan upang makahingi ng tulong para kay Arman.

Marami na rin ang nagbahagi sa social media ng post ni Angelita upang higit na matulungan si Arman. Higit na panalangin ang kailangan ngayon ni Arman upang kahit papaano ay hindi siya mawalan ng pag-asa.

error: Content is protected !!