“I practically live here”: Piolo Pascual, Ipinasyal ang Mag-asawang sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho sa Kanyang Rest House sa Batangas

Dahil nga sa pandemya ay nagkaroon ng mas maraming oras ang Kapamilya aktor na si Piolo Pascual na mamuhay ng tahimik sa kanyang napakagandang rest house na matatagpuan sa Batangas. Marahil, ay marami na ang nais makita ang taglay ng ganda ng lugar kung saan ngayon tumutuloy ang aktor.




Photo credits: Vicki Belo | Youtube

Matatandaan na minsan nang sinabi ng aktor, na mas nais niyang mag-focus sa nabili niyang dive resort sa Batangas upang gawing kanyang tahanan. At sa unang pagkakataon sa vlog ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo kasama ang asawa nitong si Hayden Kho, ay ipinasilip ni Piolo ang kanyang nabiling resort, na ngayon nga ay inaayos niya upang gawing isang napakagandang tahanan.

Photo credits: Vicki Belo | Youtube

Photo credits: Vicki Belo | Youtube

Ang rest house ni Piolo ay pinangalanang “Balay Rock”, na matatagpuan na malapit sa isang beach sa Batangas. Makikita na abala si Piolo sa pagkukumpuni ng kanyang poperty. Mula nga sa pagbubungkal ng lupa, at paglalagay ng mga palamuti at disenyo ay si Piolo mismo ang gumagawa. Matatawag ring “plantito” ang mahusay na aktor, dahil siya rin mismo ang namimili at nagtatanim ng mga bulaklak sa palibot ng rest house.

Inilibot nga ni Piolo ang mag-asawang Vicki at Hayden sa kanyang napakagandang rest house, na malapit ng matapos ang construction. Bukod naman sa mga iba’t ibang halamang nakatanim na nagdagdag kagandandahan sa paligid, ay nakahiligan na rin ng aktor ang magtanim ng samu’t saring gulay. Saad nga ng aktor, ay nais talaga niyang mas mapalapit pa sa kalikasan at sa kapaligiran. Maliban rito ay may mga alagang hayop rin siyang makikita rito.

Photo credits: Vicki Belo | Youtube




“I live here. I practically live here. It’s a respite. Whenever I would think of going away, away from the lights, the busyness, the urban living. Here you see the beach, you see the mountains. I hike around. It’s all nature. You hear manok, goats, dogs. So it’s all nature. Walang WiFi. It’s more like a jungle nowadays because I’ve been trying to focus on nature. You know whatever is around you, amplify it by enhancing the look of the place, the plants, the trees. Then I put up a bird cage. then we have poultry. Then I’m cleaning the place up so I can plant more fruit-bearing trees.”

Photo credits: Vicki Belo | Youtube

Samantala, bukod naman sa pagiging abala sa construction ng resort, ay hindi rin nawawala ang pag-wowork out ni Piolo upang mapanatiling fit and healthy ang kanyang katawan. Ilan nga sa mga ito ay scuba diving, kayaking, at hiking ng mahigit dalawang oras. At araw-araw, ay hindi nawawala ang pag-eehersisyo niya dahil nais parin niyang maging maganda ang katawan kahit nagkakaedad na.

Photo credits: Vicki Belo | Youtube

Ibinahagi naman ni Piolo ang dahilan kung bakit mas nais niyang mamuhay sa probinsya kaysa sa lungsod. Ayon nga sa aktor, ay kaya lang naman siya nanirahan sa lungsod noon ay dahil naroon ang kanyang trabaho. Ngunit, ngayon nga na kanyang nasumpungan ang masayang pamumuhay sa probinsya, ay mas nais na niya ang tahimik at pribadong pamumuhay sa kanyang sariling tahanan kung saan ay nagagawa niya anuman ang kanyang naisin.

Photo credits: Vicki Belo | Youtube

“It’s nice. It’s so quiet, so serene, and so basic. I wake up before sunrise. We hike about two hours around the mountain. And then I get back mga around 7 am or before 7 am and then I work out upstairs or I swim and then I work the whole day until sundown. The reason why I’ve always wanted to be here is it’s quiet. It’s a drive away. You don’t have to fly. You don’t have to lock yourself in a room to have your privacy. Here you have it. I have areas where I can have quiet moments, my quiet time. I sleep out in the open. I sleep here on the deck. I just wanted something private.”

Photo credits: Vicki Belo | Youtube

Nang tanungin naman ni Hayden si Piolo kung ano ang best insight para sa aktor magmula ng nanirahan siya sa probinsya, ay buong puso niya itong sinagot.

Aniya,“You need to quiet down. It’s a matter of really appreciating everything around you. The simplest things in life are actually free and it’s one way to recharge. Yun naman talaga yun eh. Kasi lagi tayong on the go.”

Piolo’s House Tour in Batangas | Vicki Belo