“I practically live here”, Kapamilya Actor Piolo Pascual Nagpa-Tour sa Kanyang Rest House sa Batangas

Matatandaan na noong matapos ang pagpapatupad ng mahigpitang lockdown noong nakaraang taon ay ibinahagi ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual na siya ay namamalagi at mas nag-eenjoy ang paninirahan sa kanyang property sa Batangas.

Photo credits: Dr. Vicki Belo | Youtube

Ayon nga sa aktor, dating dive resort ang naturang lugar ngunit ngayon ito ay tila nga ang bago na niyang tahanan dahil sa nawiwili siya na mamalagi dito.

Photo credits: Dr. Vicki Belo | Youtube

Noon ngang ika-10 ng Marso taon ng kasalukuyan, sa isang eksklusibong panayam sa aktor ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo sa vlog nito ay masayang ipinasilip ni Piolo sa mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho ang kanyang tahanan sa Batangas, kung saan nang dumating nga ang mag-asawa ay abala pa ang aktor sa kanyang ginagawa sa property niya na kung kanya ngang tawagin ay “Balay Rock.”

Photo credits: Dr. Vicki Belo | Youtube

Nang maka-kwentuhan na nga nina Vicki Belo at Hayden Kho si Piolo, ay dito sinabi ng aktor na ngayon ay sa Batangas siya namamalagi. Ikinuwento rin ng aktor, kung ano ang mga nagustuhan niya sa naturang lugar.

“I live here. I practically live here. It’s a respite. Whenever I would think of going away, away from the lights, the busyness, the urban living. Here you see the beach, you see the mountains. I hike around. It’s all nature. You hear manok, goats, dogs. So, it’s all nature”, pahayag nga ng aktor.
Dagdag pa ng aktor, “Walang WIFI. It’s more like a jungle nowadays because I’ve been trying to focus on nature. You know whatever arounds you, amplify it by enhancing the look of the place, the plants and the trees.

Photo credits: Dr. Vicki Belo | Youtube

Ibinahagi rin ng aktor, na isa sa kanyang pinagkaka-abalahan pa ay ang kanyang poultry. Ipinalinis niya rin ang iba pang bahagi ng kanyang property, upang makapagtanim pa siya ng iba pang mga namumungang punong-kahoy.

Chika pa ng aktor, talagang nag-eenjoy siya sa buhay niya sa Batangas, kaya naman halos ang buong oras niya kapag wala siyang pinagkaka-abalahan sa trabaho niya sa siyudad ay dito siya nagtutungo at namamalagi.

Ikinuwento rin ng Kapamilya actor, na mas na-eenjoy niya ang tahimik at simple na buhay sa probinsya. Ibinahagi rin niya kung ano-ano ang mga pinagkaka-abalahan niyang activites doon sa pang-araw-araw, tulad na lamang ng kanyang ginagawang pagha-hike tuwing umaga.

Photo credits: Dr. Vicki Belo | Youtube

Dahil din sa naging pamamalagi niya sa Batangas, para kay Piolo ang kanya ngang experience noong quarantine ay “silver lining”.

Para nga kay Piolo, ay mas nasisiyahan at nakakapag-relaks siya ng husto ngayon sa kanyang buhay sa probinsiya. Dahil nga sa maraming bagay ang kanyang nagagawa na mas may katuturan at mas nakakatulong pa sa kanyang kalusugan.

Piolo’s House Tour in Batangas | Vicki Belo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *