Connect with us

Entertainment

“I just never want to stop making memories with you, I love you!” Arjo Atayde May Nakakakilig na Mensahe sa Kanyang Nobyang si Maine Mendoza

Kamakailan lamang nagcelebrate si Maine Mendoza ng kanyang ika-26th birthday at inulan si Maine ng suporta ng kanyang mga fans at mga mahal sa buhay.




Kabilang na sa mga naki-celebrate ng kanyang kaarawan ay ang kanyang mga co-star ng show nila na “Eat Bulaga” at “Daddy’s Gurl”.

Photo credits: Maine Mendoza | IG

Naging espesyal ang episode na ito, dahil nagkaroon ng special appearance ang kanyang boyfriend na si Arjo Atayde.

Ibinahagi ni Arjo sa kanyang Instagram ang larawan nila ni Maine na may caption na,

“I just never want to stop making memories with you. I love you! Happy Birthday, Bubby.”

Masayang nagcelebrate ang celebrity couple, kitang kita naman sa kanilang larawan ang abot langit nilang mga ngiti. Kaya lubos din namang nagpaabot ng pasasalamat si Maine sa lahat nang bumati at naki-celebrate ng kanyang kaarawan, dahil kanyang naramdaman ang pagmamahal ng mga ito.

Photo credits: Maine Mendoza | IG

Isa sa mga naging highlight rin sa kaarawan ni Maine, ang special guesting ng kanyang favorite vlogger na si Albert Nicolas o mas kilala bilang Asian Cutie.




Isa sa mga napili ng segment ng Eat Bulaga na “Bawal ang Judgemental” si Albert, inamin ni Maine na isa siya sa mga fan ng sikat na vlogger. Ayon kay Albert, isa siyang wedding videographer bago siya naging isang sikat na vlogger.

Natanong ni Maine kung marami bang nakakilala sa vlogger sa mga kasalanang kino-cover nito.

Photo credits: Maine Mendoza | IG

Sinagot naman ito ng vlogger na maraming nagpapapicture sa kanya, at isa na doon si Maine. Dahil nagkaroon ng pagkakataon na magpapa-picture sa kanya si Maine noong kasal ng kanyang kaibigan na si Sheena Halili. Tila lagi siyang napapanood ni Maine sa facebook kaya agad niyang nakilala ang vlogger. Naikuwento ni Albert kung paano siya nagsimulang maging isang vlogger.

Photo credits: Maine Mendoza | IG

Kaya nagpost ito sa kanyang Instagram ng larawan nila Maine kung saan binati niya ito at may caption na, “May stage fright talaga ako. bago kami sumalang sa Bawal judgemental sobra kaba ko.”




“Nu’ng nalaman kong natatandaan ako ni Maine kumapal ang mukha ko lalo! Happy birthday! salamat at isa kang tunay na totoo! see you around and God bless you more and more!”

Photo credits: Maine Mendoza | IG

Si Arjo at Maine naman ay sinulit ang naging celebration ng kaarawan. Sa larawang pinost ni Arjo ay talagang ipinaramdam niya kay Maine kung gaano niya ito kamahal. Kaya tila napaka-swerte ni Maine sa kanyang boyfriend.

error: Content is protected !!