“Hindi po talaga biro” Masayang ibinahagi ni Ronnie Liang, ang kanyang pagiging isang jeepney driver for a Day

Kilala ng isa sa mga magagaling ng singer si Ronnie Liang. Sa kanyang karera bilang singer ay marami ang humanga sa angking galing ng kanyang boses. Ngunit dahil sa pandemic kaya nabawasan ang kanyang mga show entertainment abroad kaya pati pagvo-vlog ay kanya na ring pinasok.

Sa kanya ngang latest vlog, ay nagkaroon siya ng isang challenging na vlog at ito ang kanyang pagiging jeepney driver for a day. Ito ay naging isang challenge talaga para kay Ronnie. Sa kanya ngang vlog na ‘Trip ni Oppa’, ay sinubukan niya maging isang jeepney driver at siya ay nagmaneho ng jeep around Mandaluyong area. Sa kanyang pagmamasada ay walang ibang nasabi si Ronnie kundi papuri at paghanga sa mga jeepney driver na ginugugol nila ang kanilang buong isang araw upang kumita lamang para sa kanilang pamilya.

Photo Credits: Youtube.com | Ronnie Liang

Ayon kay Ronnie, hindi madali ang pagiging isang jeepney driver dahil ito ay isang sakripisyo ng pagsusumikap sa kabila ng init at ulan na pamamasada. Isa ito sa mga trabahong nakakapagod dahil sa usok ng lansangan at mga aksidente ang nagiging kalaban, ngunit hindi iyon alintana sa kanila dahil sa kagustuhang kumita para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Photo Credits: Youtube.com | Ronnie Liang

“Mga ka-tropa ganyan talaga mahirap maghanapbuhay. Kaya ‘yung mga kababayan natin na ang trabaho po ay magpasada, nagtratrabaho nang marangal, ‘yung naghahanapbuhay para sa pamilya, saludo ako sa inyo. Sa inyong mga sakripisyo na ginagawa para sa ikabubuhay ng pamilya. Maraming maraming salamat sa inyong kadakilaan sa pagtaguyod ng inyo pong mga pamilya,” saad pa ni Ronnie sa kanyang vlog.

Dagdag pa ni Ronnie, na isa pa sa mga gawain ng isang jeepney driver ay yung nagbibilang ng sukli sa pamasahe habang nagtatawag ng mga sasakay pa na mga pasahero. “Ngayon po, feel na feel ko po ang pagiging isang driver or isang pamamasada… ‘Di ba, driver ka na, accountant ka, tapos naku, exposed ka, naaamoy mo, nalalanghap mo ‘yung hangin sa labas, ‘yung hangin, mga usok ng mga kasama mong namamasada din, ‘yung mga sasakyan nila. Kaya hindi po biro ‘yung pagiging driver. Tapos ‘yung iba, nagwa-1,2,3 pa,” ika pa niya.

Photo Credits: Youtube.com | Ronnie Liang

Makikita rin sa kanyang vlog, na nag-eenjoy rin naman si Ronnie sa kanyang pamamasada. Sa kahabaan ng kanyang pamamasada ay nakakaramdam na rin siya ng pagod na parang nagpapalipad lang daw siya ng eroplano. Ayon pa sa kanya, na sobrang saludo siya sa mga jeepney driver dahil ito ang uri ng trabaho na hindi basta ang parelax-relax lang, dahil buhay ang laging nakataya kaya kinakailangan talaga ang ibayong pag-iingat.

Photo Credits: Youtube.com | Ronnie Liang

Sa pagtatapos ng kanyang vlog, sinabi niyang saludo siya sa pagpupursige ng mga jeepney driver na naghahanap-buhay ng marangal para sa kanilang pamilya.

TRIP NI OPPA: Magpasada ng Jeep! EP. 04 | Ronnie Liang