Hilltop Mansion ni Piolo Pascual sa Batangas Binisita at Pinasyalan ng Mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho

Sa ikalawang parte ng vlog ni Vicki Belo ay ipinakita nito ang naging paglilibot at pamamasyal nila sa ikalawang tahanan ng aktor na si Piolo Pascual sa Batangas. Ito nga ay ang ‘Hilltop Mansion’ ng aktor, kung saan ay talaga namang sino man ang bibisita dito ay mabibighani sa ganda at lawak nito.

Credits: Vicki Belo | Youtube Chanel

Ayon nga kay Vicki, ang pangalawang tahanan ni Piolo, kung saan ay ang naninirahan ay ang pamilya ng aktor.

Mula sa salitang ‘Hilltop’ ay masasabi nga natin na ang tahanan na ito ng aktor, ay matatagpuan sa isang mataas na lugar sa probinsya ng Batangas. Kaya naman ng magtungo ang mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho upang pasyalan at libutin ang magandang tahanan ni Piolo, ay napagod din ang mga ito na maglakad patungo sa mismong bahay, dahil sa hindi kaya ng sasakyan ang dumiretso dahil sa mataas na lugar ito nakatirik, at madulas ang daan.

“So, hindi makaakyat ‘yung kotse namin, dahil the soil ay napaka-slippery, madulas dahil du’n sa semento”, ani Vicki.

Samantala, hindi naman napagilan ng celebrity doctor ang mamangha ng marating na ang mismong lugar kung saan nakatirik ang napakalaking tahanan ng aktor.

“Ang ganda naman ng bahay dito. Parang heaven”, ang sambit nga ni Vicki ng makita na ang magandang tanawin sa tuktuk kung saan nakatirik ang ikalawang tahanan ni Piolo.
“Nice house”, dagdag na sambit pa nito ng masilayan na ang napakalaking bahay, na nakukulayan ng puti at napapalibutan ng mga galss window at glass door.

Nang makapasok na ang buong grupo ni Vicki sa loob ng tahanan ng aktor, kasama ang kanyang asawang si Hayden Kho, ay pinuri nga nito ang ganda ng disenyo ng naturang tahanan.
Una ngang pinuntahan nina Vicki ang tila gym or sports area ni Piolo sa naturang tahanan, kung saan ay makikita ang ilan sa mga kagamitan na kadalasang makikita sa gym.

Credits: Vicki Belo | Youtube Chanel

Maliban dito, ay ipinasilip rin ni Piolo, ang isang bakante pang lugar sa kanilang lupain, kung saan ayon sa aktor, ay pagagawan niya ng reception area at chapel, na palalagyan ng niya ng malaking krus na magsisilbi ngang landmark.

Sa naging pag-iikot nga ng mag-asawang Vicki at Hayden sa ikalawang tahanan ng aktor ay talaga namang ipinakita nila ang kamangha manghang tanawin na matatanaw mula sa tahanan ng aktor.

Credits: Vicki Belo | Youtube Chanel

Ayon nga kay Piolo, tanaw mula sa kanilang tahanan ang karatagan kung saan ay makikita ang ilan sa mga isla ng probinsiya, tulad ng Sombrero island at Oriental Mindoro island.
Ipinakita nga rin ni Piolo ang mga kagamitan sa kanilang tahanan, kung saan ay karamihan ay gawa sa kahoy. Mapapansin rin na puno ng mga ‘green plants’ ang bakuran ng tahanan ng aktor.

Pinasok rin ni Vicki ang silid ng ina ng aktor, at dito ay makikita nga na mula sa terrace ng silid nito ay overlooking rin ang karagatan at mga isla. Napag-alaman nga rin ng celebrity doctor, na isa sa mga libangan ng mommy ni Piolo, ay ang pagpipinta, kaya naman kahit na sa probinsiya ito naninirahan ay hindi ito nakakaramdam ng pagka-bored.

Credits: Vicki Belo | Youtube Chanel

May isa namang bahagi ng bahay na pinutahan nina Vicki et Piolo, kung saan tila ito isang rooftop dahil tanaw na tanaw ang mga tanawin sa ibaba, maging ang napakalaki at napakagandang ‘swimming pool’ sa bahay na ito ng aktor.

Ipinagmalaki rin ni Piolo, na mula sa tahanan niyang ito ay mapagmamasdan mo ang napakagandang pagsikat at paglubo ng araw, nanisa nga sa kanyang paboritong abangan sa lugar.
Samantala, sinilip naman ni Hayden ang loob ng refrigerator ng aktor, kung saan ay nakita nga na may laman itong ice candy, mga prutas tulad ng watermelon, at mayroon din itong beer. Nagbiro pa nga si Piolo, n kaya mayroon siyang ice candy ay dahil sa nagtitinda siya nito para hindi sayang ang kuryente.

Credits: Vicki Belo | Youtube Chanel

Bago nga matapos ang vlog na ito, ay makikita na masayang nagsalo-salo sina Vicki, Hayden, Piolo at iba pa nilang kasama sa isang nakakaganang kainan, dahil sa ang daming pagkain na nakahain, na tila isang ‘buddle fight’, kung saan ang mga ulam, prutas, at kanin ay sama-samang nakalagay sa dahoon ng sa malapad na dahon ng saging.
Nagpasalamat naman si Vicki Belo sa naging pagpapa-unlak ni Piolo na ma-tour nila ang ikalawang tahanan nito sa Batangas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *