Heart Evangelista, Inamin na Kapag Nagkakatampuhan Sila ng Asawang si Chiz, ay Nagwo-Walk Out Siya o Kaya ay Tinutulugan Niya Ito

Sa buhay mag-asawa ay hindi nga naman maiiwasan na magkaroon ng tampuhan o hindi pagkaka-unawaan minsan. At iba’t iba nga ang mga ginagawang pamamaraan ng mag-asawa upang tampuhan ay hindi na lumala pa.

Samantala, isa namang celebrity ang nagbahagi kung paano nga ba ang kanyang ginagawa kapag nagkakaroon sila ng tampuhan o hindi pagkakaunawaan ng kanyang asawa. at
Inamin ng fasion icon at aktres na si Heart Evangelista sa vlog ng beauty doctor na si Aivee Aguilar, na nagkakaroon rin sila ng tampuhan at hindi pagkaka-unawaan ng kanyang asawa. At nang siya’y tanungin kung ano ang ginagawa niya sa mga pagkakataong ganito, ay agad niyang sinagot ito ng;

“TINUTULUGAN KO SIYA”, ang naging saad nga ni Heart.

Dagdag pa ni Heart kung hindi tinutulugan, ay nagwo-walk out na lamang siya kapag may tampuhan o hindi sila pagkakaunawaan ng asawang si Chiz.

Ibinahagi naman ni Heart kung bakit pag tulog o pag walk out ang kanyang ginagawa. At ayon nga sa kanya, ito ay dahil sa alam niyang magaling sa pakikipagdebate ang kanyang mister kaya naman siya nalang ang umiiwas, kaysa naman humaba pa ang kanilang pagdidiskusyon.

“When we argue, si Chiz kasi magaling magsalita, he’s really good with debate. I choose my battles so I’m quiet and it pisses him more when I’m quiet”, ang walang kagatol-gatol ngang pahayag ni Heart.

“So I’m guilty also of going up and sleeping. Tinutulugan ko siya”, ang hirit pa nito.

Kwento pa ng Kapuso actress, dahil sa nakakaramdam din siya ng ‘guilt” kapag wino-walk outan niya at tinutulugan niya ang asawa, ay ginagawa niya ito ng sulat once tapos na siya manahimik at mag-walk out.

Maliban pa dito, ay inamin rin ng isa sa hinahangaang Pinay Fasion Icon na noong unang magkaroon sila ng relasyon ng kanyang asawang si Chiz ay marami siyang pinagdaanang challenges sa kanilang relasyon.

Nito nga lamang ngang lumipas na ika-14 ng Pebrero, kasabay ng pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan, ay ipinagdiwang din ng mag-asawang Heart at Chiz ang kanilang ika-6 taong anibersaryo ng kasal.

Hindi naman naging lihim sa atin na naparami talagang pinagdaanan ang relasyon ni Heart at Chiz nung sila’y hindi pa mag-asawa, ngunit sa kabila nito ay nalampasan nila ito, kaya naman hanggang ngayon ay nanatili pa ring matatag at masaya ang kanilang relasyong mag-asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *