Halaga ng Beach Outfit ng Mag-Inang Anne Curtis at Baby Dalia Umabot sa Mahigit 51,000 Pesos

Usong-uso naman talaga ngayon sa mga mommy’s na may mga baby’s ang pagsusuot nila ng magkaparehong disenyo ng damit, na kung tawagin nga ay ‘twinning’. At kabilang sa mga celebrity mommy na nalilibang na gawin ito kasama ang kanyang kyut na kyut na baby, ay ang TV host-actress na si Anne Curtis.

Sa IG account ni Anne ay mapapansin na madalas silang mag OOTD’s outfit ng kanyang anak na si baby Dahlia, kagaya na nga lamang ng isa sa mga naging paborito ng marami nilang mga tagahanga kung saan ay nakasuot sila ng “colorful bath time OOTDs” mula sa “Missoni”.

Credits: Anne Curtis| Instagram

Kamakailan nga ay muling naging agaw-pansin sa mga mata ng mga netizens ang “matchy-matchy moment” ng mag-ina, habang sila ay nasa isang beach.

Ang naging matchy matchy OOTD’s beach outfit nga na ito nina Anne at Baby Dahlia, ay kuha sa Hayman Island, sa bansang Australia kung saan nila sinalubong ang Bagong Taong 2021.

Talaga namang kamangha-mangha ang mom-and-daughter duo dahil sa kani-kanilang suot na designer swimwear, kung saan ang mga ito pala ay mula sa mamahaling fashion brand sa Austalia, na Zimmermann.

Makikita sa mga larawan ng mag-ina na ang suot ni Anne ay isang Poppy triangle bikini na mayroong disenyo ng crochet at nagko-complement ang kulay ng blue at purple na talaga namang bumagay sa TV host-actress. Samantala, si Baby Dahlia naman ay suot din angisang Poppy collection, na one-piece maillot na may disenyong raffles at crisscross ang likod.

Credits: Image of Preview

Lumabas naman sa ibang ulat kung magkano ng aba ang halaga ng mga Zimmermann swimwear OOTD’s na suot ng mag-ina, at talaga namang bongga pala ang halaga ng mga ito.

Ayon sa net-a-porter.com ang ZIMMERMANN Poppy Traingle halterneck Bikini na tulad ng isa sa mga OOTD’s ni Anne ay nagkakahalaga ng $260 o sa Philippine money ay P12,514.

Ang ZIMMERMANN KIDS Poppy Butterfly Frill One-Piece Swimsuit naman na suot ni baby Dahlia, ay nagkakahalaga ng $105 o Php 5,054.

Credits: Image of Preview

Maliban pa sa Zimmerbrand, isa pa rin sa mga mamahaling OOTDs swimwear ni Anne ay ang gingham-print bikini set na mula naman sa Peony Swimwear. Makikita pa nga na tinernuhan ito ng TV host-actress ng wide brim boater hat.

Narito naman ang halaga ng naturang swimwear OOTDs ni Anne.

Credits: Image of Preview

Ang Wide Brim Boater Hat ay nagkakalahaga umano ng $590 o Php28,387 na mula nga sa brand na Zimmermann. At ang Gingham Underwired Bikini Top ay $130 o Php 6254 at ang Gingham Bikini brief ay $90 o Php4,330, na mula naman sa Peony Swimwear.

Credits: Anne Curtis| Instagram

Kung susumahin nga ang kabuuang halaga ng mga OOTDs ni Anne, kasama ang sa kanyang anak na si Baby Dahlia, ay umabot ito sa Php51,485. Oh diba napaka-bongga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *