“Gusto ko na magka-baby”: Bea Alonzo, Inamin na Nais Nang Magkababy sa Tulong ng Siyensya, Kahit Wala ng Lalaki na Kapartner sa Buhay nya

Tila nais na ngang magkaroon ng sariling anak ng aktres na si Bea Alonzo matapos ang mga nagdaang kabiguan sa kanyang buhay pag-ibig.

Sa panayam kay Bea sa vlog ng komedyante at vlogger na ngayong si Ethel Booba, ay sinabi ng aktres na nais na niyang magkaroon ng anak. At kung maaari ay sa loob ng tatlong taon, ay magawa na niya ito, upang maging isang ganap na ina na rin siya katulad ng mga kasabayan niya sa showbiz.

Ngunit, hindi ito sa pamamagitan ng natural na paraan kundi sa tulong ng siyensya. Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na wala pang nobyo sa kasalukuyan ang aktres matapos ang huling relasyon nito sa aktor na si Gerald Anderson.

Photo credits: Bea Alonzo | IG

Kaya naman, kung sakali mang hindi pa siya mabuntis sa lalong madaling panahon, ay bukas ang kanyang isipan na magpa-surrogacy o surrogate mother na lamang. Bagama’t nagdadalawang isip pa rin naman si Bea, dahil nga sa nararanasang pandemya, ay tila nais na talaga niyang magkaanak.

Sa kanilang masayang kwentuhan nga, ay tinanong ni Bea si Ethel, kung pwede itong maging surrogate mother ng kanyang magiging anak.

“Pwede ba kitang kunin na surrogate mother kung sakali?”, tanong ni Bea.

Photo credits: Bea Alonzo | IG

Nagulat naman si Ethel sa sinabi nito, pero agad rin namang sumagot sa nais iparating ni Bea. Saad nga ni Ethel, ay kung ano ang ibig nitong sabihing “surrogate”. Sagot naman ni Bea, ay si Ethel nga ang magdadala sa sinapupunan ng kanyang magiging anak.

Tila naman naguluhan pa si Ethel, kung kaya’t ipinaliwag ni Bea ng mabuti ang ibig niyang sabihin.

“Ikaw ‘yung magdadala ng baby ko?”saad ni Bea.

“Ano ‘yun ako ‘yung magbubuntis?” tanong uli ni Ethel.

“Oo, pero eggs ko. If given a chance? Tatanggap ka ng surrogacy?”paliwanag pa ni Bea.

Natatawa naman si Ethel sa sinabi ni Bea, at hindi makapaniwala na seryoso pala talaga ito. Kaya naman, tila naging interesado ang komedyante, at tinanong ang aktres kung magkano ang bayad sa kanya.

“So guys alam niyo na. Kapag hindi pa ako mabuntis or mag-asawa sa lalong madaling panahon, papa-surrogate na ako. Hindi kasi, successful, healthy at ang ganda ng baby mo. So, puwede!”, may papuri namang pahayag ni Bea kay Ethel.

Photo credits: Bea Alonzo | IG

Sa ngayon, ay hindi pa legal sa Pilipinas ang surrogacy. Ngunit, sa ibang bansa ay legal na ito, kung kaya’t ilang personalidad na rin sa showbiz ang nasubukan ito katulad na lamang nga nina Joel Cruz, Korina Sanchez at Vicki Belo.

Photo credits: Bea Alonzo | IG

“Alam mo ba kapag nagpa-surrogate ka pala, parang sagot mo lahat-lahat ng bagay pero hindi legal ‘yun in the Philippines by law. Hindi pa siya legal,”saad ni Bea.

Photo credits: Bea Alonzo | IG

Dagdag pa nga ng award winning actress, kung may donor lamang umano siya, ay hindi na niya kailangan pa ng lalaki sa buhay niya.

“Pero siyempre, hindi pa naman natin alam ‘yung ano ng buhay, sabi ko nga baka may donor na lang tayo. Para kahit wala nang lalaki,” dugtong ng magaling aktres.

“Pero gusto ko na talagang magka-baby. Kaya sinasabi ko rin ‘to sa universe baka sakaling pagbigyan ako,”kwento pa ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *