Gerald Anderson, Inamin na ang Relasyon sa Aktres na si Julia Baretto sa One-on-One Interview sa Kanya ni Tito Boy Abunda

Taong 2019 pa ng maging laman ng balita at usapin ang di-umanoy pagkakamabutihan ng aktor na si Gerald Anderson at Julia Barretto. Ngunit, halos isang taon ding nanatiling tahimik ang dalawa, sa kung ano man ang tunay na namamagitan sa kanila.

Hanggang nito nga lamang araw ng Biyernes, ika-5 ng Marso 2021, ay tahasan ng inamin ni Gerald sa publiko na masaya ang kanyang buhay ngayon dahil kay Julia.
Sa naging one-on-one interview ni Tito Boy Abunda sa aktor, ay inamin na nito, na ang taong nagpapasaya sa kanya ngayon, ay walang iba kundi ang aktres na si Julia Barretto.

“It is Julia the reason behind your smile?”, ang naging katanungan ng ani Tito Boy kay Gerald.

Na sinagot naman agad ng aktor ng isang kasagutan na nagkumpirma na rin ng pagkakaroon nila ng relasyon ng aktres.

“Yes, tito Boy.. It’s a yes”, pag amin ni Gerald.
“[I’m] very happy”, dagdag na saad pa ng aktor.

Maatandaan na nagsimulang ma-link sina Julia at Gerald sa isa’t isa, matapos nilang magsama at magtambal sa isang pelikula, at ito nga ay ang “Between Maybes”. Inamin noon ng aktor sa naunang panayam sa kanya, na siya ay “very happy” at “in love”.

Naging usap-usapan rin noon na si Julia umano ang dahilan ng kontrobersyal na hiwalayan ng tatlong taon ring magkarelasyon na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Samantala, sa nasabing panayam rin na ito ni Tito Boy sa aktor ay muling binalikan ni Gerald ang naging isyu sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo, kung saan ito rin ang isa sa mga pinakamalaking kontrobersiya noong taong 2019.

Ayon sa naging pahayag noon ni Bea, ay sinabi nito na “na-ghost” siya ng aktor, at walang pormal na hiwalayan na nangyari sa kanilang dalawa. At sa panayam nga nito Tito Boy ay nagsalita na si Gerald sa unang pagkakataon patungkol sa isyu na ing- “ghost” niya ang aktres.

“Ganito lang po ‘yun. Ano po ba ang definition ng ghosting? Kasi ang dating sa akin is parang nasa gitna kami ng dinner tapos nagdecide ako magback-out and ‘di magpakita kahit kailan. ‘Yun ba yung definition? Or is it walking away from a very unhealthy, toxic – not saying na siya ‘yung toxic, but being together, we were very toxic… Hindi narerespeto ‘yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap. After months and months and months and months of being on the rocks and [puro] away… I mean ‘yun lang. I’m just gonna leave it at that. Bahaka na po kung paanong ano, but if ‘yun yung ghosting. I’m guilty of one guilty of those two”, pahayag nga ng aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *