Madalas masangkot sa kontrobersiya ang pangalan ng aktor na si Mark Antony Fernandez. At kamakailan lamang nga, ay may mga inilahad na namang isyu si Mark sa one-on-one interview sa kanya ni Gladys Reyes sa programa nito na Moments na mapapanood sa Net25.
Una na nga rito ang dahilan ng hindi pagkakatuloy ng reunion movie nila ng kanyang ex-girlfriend na si Claudine Barretto. Ayon kay Mark, kahit gustong-gusto nilang gawin at magkasama sa pelikula, ay hindi raw pwede dahil biglang nagkaroon ng problema.
Ang nasabing pelikula na gagawim sana nila noong 2019, ay ang “Untrue”. Natuloy naman ang pelikula ngunit sila ni Claudine ang gumanap bilang mga bida kundi sina Xian Lim at Cristine Reyes.
Hindi nga maitago ni Mark ang pagkadismaya sa nangyari, na ang inaasahang proyekto, ay natuloy nga ngunit hindi sila ang gumanap sa di malamang dahilan.
“Dapat meron na. Ang problema, nagkaproblema yata sa some sort of yes and no, so hindi natuloy. E, nagkaproblema sa yes and no, ewan ko naman kung bakit. Isang simpleng oo, bakit hindi, di ba, o palitan natin ang script. E, umabot kung saan-saan. Sa loob-loob ko nga, kung gusto nila na matuloy ‘yon, si Claudine, eager din siyang gawin ‘yon, sa loob-loob ko, siya na lang ang mag-produce. Mayaman naman siya, e.”
Samantala, nadako naman ang tanong ni Gladys sa personal na buhay ni Mark bilang isang ama. Ayon nga kay Mark nais niyang maging isang mabuting ama sa kanyang mga anak, pero may mga bagay umano na hindi na niya saklaw.
Sinabi rin ni Mark na hindi niya kasalanan kung bakit naghiwalay sila ng kanyang mga naging asawa. At ayon nga rito, ang mga ito umano ang may mali sa kanilang paghihiwalay.
“Gusto ko talagang maging good father. Pero yung buong circumstances, parang pakiramdam ko, hindi ko kasalanan yung paghihiwalay namin nung nanay—yung first wife, second wife. For me, sila ang may mali.”
Matapos sagutin ang katanungan, ay hindi naman na nagbigay pa ng ilang detalye si Mark. Matatandaan naman na matapos ang hiwalayan nila ng kanyang dating asawang si Melissa Fernandez, ay napabalita naman ang pagkakaroon niya ng non-showbiz partner.
Nang madako naman sa politics ang pag-uusap, ay tila naman malaki ang interes ng aktor. Sinabi nga ni Mark na may posibilidad na pasukin niya ang mundo ng pulitika kapag may humikayat sa kanya na gawin ito. Ngunit, paglilinaw naman ni Mark, ay mababang posisyon lamang at kung bibigyan naman ng pagkakataon ay pwede rin raw ang mataas na posisyon.
“Medyo mababang posisyon lang. With regard to humor, kung hindi mababa, baka super-taas. Di ba si Tito Ronnie Poe, si Da King, kumbaga dahil sikat na sikat siya, pwede siyang magpresidente. At bakit umuupo ang ibang mga pulitiko natin dahil meron silang special talent? E, malay mo, maging kasinlaki natin si Tito Ron, makatsamba tayo.E, di ibig sabihin, baka pwede tayo.”