Ex-PBB Housemate Slater Young, Inilibot ang mga Netizens sa “Tiny Tree House” na Ginawa ng Kanyang Ama para sa mga Apo Nito

Kamakailan lamang ng hangaan ng mga netizens, at mag-trending sa social media ang napakagandang “Scottpod” o tree house na ginawa ng ama ng dating PBB housemate na si Slater Young para sa mga apo nito. Kabilang na nga rito, ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Kryz Uy na si Baby Scott. Matapos nga nito, ay mas lalo pang masisilayan ang ganda ng tree house sa house tour vlog ni Slater.




Nito lamang ika-7 ng Marso, nang ibahagi ni Slater sa kanyang vlog ang house tour ng tiny tree house na ginawa ng kanyang ama para sa mga apo nito.

Photo credits: Slater Young | Youtube

Makikita na hindi lamang napakaganda ng pagkakagawa ng tree house, kundi makikita rin na kompleto ito sa kagamitan. May sarili nga itong kuryente, may kiddie slide at wall climbers. Napakaganda ring pagmasdan ng mga puno ng pine tree na nagsisilbing proteksyon sa malakas na hangin.

Photo credits: Slater Young | Youtube

Photo credits: Slater Young | Youtube

Ibinahagi naman ni Slater na ang karamihan sa mga kagamitang ginamit upang mabuo ang tree house, ay mga recycled materials katulad ng kahoy na kinuha umano sa site ng ilan nilang proyekto.

Mapapansin rin ang pagiging malikhain ng ama ni Slater sa paggawa ng nasabing tree house sapagkat nilagyan niya rin ito ng disenyo at mga bagay na maaaring mapaglaruan ng mga bata. Ilan na nga rito ang drive wheel na nasa labas pa lang ng tree house ay makikita na.

Photo credits: Slater Young | Youtube

Pagpasok naman sa loob ng tree house, mapapansin naman na maliit at kasya lamang nga rito ang maliliit na bata, na siyang ginawa naman talaga para sa kanila. Sa loob naman ay makikita ang laruang telepono, at isang writing glass wall na nakasulat ang pangalan ng mga bata.

Photo credits: Slater Young | Youtube




Kahanga-hanga naman, ang matatanaw na view sa nakapwestong afternoon picnic table. Napakasarap naman talagang magmeryenda rito habang natatanaw ang napakagandang tanawin. Kung may afternoon picnic table nga, ay may area naman para sa umaga na matatagpuan naman sa kabilang side nito.

Photo credits: Slater Young | Youtube

Photo credits: Slater Young | Youtube

Photo credits: Slater Young | Youtube

Sa kabilang bahagi nga makikita ang ginawang duyan ng ama ni Slater, na gawa rin sa mga recycle na kahoy. Maging ang nagsilbing bakod na nakapagitan sa alaga nilang pagong, ay yari rin sa kahoy. May nakalaan ring bonefire area na napapalibutan naman ng mga bilog na upuang yari sa kahoy.

Photo credits: Slater Young | Youtube




Photo credits: Slater Young | Youtube

Sa kabuuan nga, ay sadyang napakaganda ng tiny tree house ng pamilya nina Slater. Tiyak na mag-eenjoy ang mga bata sa kanilang paglalaro sa tree house. At napakasarap ring magrelax at magpahinga rito dahil sa napakagandang tanawin na makikita rito.

We made this tiny tree house during quarantine!