Donnalyn Bartolome, Sa Tulong ng Kinikita Niya sa YouTube ay Nagawang Pangunahan ang Pagtatanim ng 1000 Bamboo Tree sa Rizal

Ibinahagi ng popular na vlogger na si Donnalyn Bartolome sa kanyang mga tagasubaybay na ang oras na iginugugul ng mga ito sa panonood ng kanyang mga vlog ay malaking tulong para sa kanya upang makagawa rin ng mga bagay na kapakipakinabang na makakatulong rin sa ating mga kababayan.

Nito nga lamang nakaraan ay ibinahahi ni Donnalyn sa kanyang Instagram account, kung ano ng isang bagay na nagawa niya sa tulong ng kinikita niyang pera sa pagba-vlog sa YouTube.
Makikita na ibinahagi ni Donnalyn sa kanyang IG post ang pangunguna niya sa pagtatanim ng mga punong kahoy na bamboo trees sa isang parte ng bayan ng Rizal. Nagbahagi ang vlogger ng kanyang larawan, kung saan ay makikita ang ginagawa niyang pagtatanim ng seedlings ng bamboo tree.

Photo credits: Donnalyn Bartolome | Youtube

Ayon kay Donnalyn, pinangunahan niya ang ganitong gawain upang makatulong na mas maiwasan pa ng ilang lugar sa ating bansa ang makaranas ng matinding pagbaha, na kamakailan nga lamang ay naranasan ng maraming bayan sa atin ng humagupit ang sunod-sunod na mga bagyo.

Photo credits: Donnalyn Bartolome | Youtube

Batid natin na malaki ang tulong ng mga punong kahoy upang maiwasan ang matinding pagbaha, kaya naman talagang sila ay mahalaga sa ating kalikasan.

“I feel like people have forgotten what had happen to us months ago with typhoon Ulysses. I didn’t. I will not”, saad ni Donnalyn.

Photo credits: Donnalyn Bartolome | Youtube

Ilang buwan din ang ginawa nilang paghahanda upang maisagawa ang kanilang ginawang tree planting, kung saan nga ay dumaan pa sila sa iba’t ibang proseso tulad ng pagkuha ng permits at pagpapa-alam sa mga awtoridad. Siyempre ginawa rin nila ang pagre-research.

Photo credits: Donnalyn Bartolome | Youtube

Dagdag pa ng vlogger, nais niyang magbigay inspirasyon sa ating mga kababayan, upang maisipan din ng mga ito na magtanim ng magtanim ng mas maraming punong kahoy, para kapag ang mga ito ay yumabong na ay maiiwasan na ang matinding pagbaha sa ating bansa.

Hinikayat din ni Donnalyn ang kanyang mga subscribers na mas manood pa ito ng kanyang vlog, at panoorin rin ng mga ito ang mga “advertisement” na lumalabas sa kanilang mga video, upang sila ay mas maka-ipon pa ng “fund” na maari nilang magamit sa mga bagay na kapaki-pakinabang para sa ating mga mamamayan.

“With the money I earned from YouTube, we will planting trees to prevent future flooding. Prevention is better than cure”, saad ni Donnalyn.

Dagdag pa niya, “All that subscribing and not skipping ads will be worth it.”

Photo credits: Donnalyn Bartolome | Youtube

Matatandaan na isa si Donnalyn Bartolome sa mga nagbigay tulong sa ating mga kababayan na nasalanta ng matinding pagbaha noong bagyong Ulysses no’ng buwan ng Nobyembre 2020, kung saan ay nagbigay nga ang vlogger ng mga Floating Boat para makatulong sa mga rescuers sa sagipin at tulungan ang mga kababayan na kinakailangan mailigtas sa matinding baha.

Photo credits: Donnalyn Bartolome | Youtube

Nag-launch din siya ng kanyang charity organization na tinawag niyang “Influence Us”, na ang layunin ay magbigay tulong sa mga taong labis na nasalanta ng bagyong Ulysses. Sa tulong nga ng kanyang mga ‘donor’ ay nakalikom ang charity ni Donnalyn ng mahigit 1M noong buwan ng Enero 2021.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *