Dating Aktres na si Dionne Monsanto, Ibinahagi na P300 Lamang ang Halaga ng Suot Niyang Wedding Dress sa Kasal nila ng Kanyang Long-time Boyfriend

Maraming mga kababaihan ang nangangarap na maikasal sa kanilang “the one”. At ang isang beses na kaganapan na ito na talagang pinakahihintay ng mga babae sa kanilang buhay, ay pinaghahandaang mabuti. May ilan nga na talagang bonggang kasalan ang nais.

Ngunit, may ilan rin namang mas pinipiling maging praktikal kahit pa minsan lamang ito mangyari sa kanilang buhay. Ang ilan nga ay mas nais ang simpleng kasalan, na mas iniisip na mas mahalaga ang sagradong seremonya kaysa sa mamahaling kasuotan.

Para nga sa “Tubig at Langis” star na si Dionne Monsanto, ang kanyang dream wedding ay hindi mababase sa halaga ng damit pangkasal na kanyang suot, kundi mas mahalaga para sa kanya ang respeto at pagmamahal na ibibigay sa kanya ng taong makakasama niya habang buhay.

Nito lamang ika-8 ng Marso, nang maganap ang pag-iisang dibdib ng dating aktres na si Dionne at long-time boyfriend nitong si Ryan Stalder sa isang intimate civil wedding ceremony na ginanap Bern, Switzerland. Ang espesyal na selebrasyong ito sa buhay ni Dionne, ay pinag-usapan ng marami sa social media.


Sa isang Instagram post kasi, ay idinetalye ni Dionne ang halaga ng kanyang suot na wedding dress. Ito nga ay isang off-shoulder white bridal dress. At ang terno nito sa ilalim ay regalo lamang sa kanya ng kanyang nakakatandang kapatid na si Aileen Siroy. Pagbubunyag nga ni Dionne, ay nabili lamang niya sa halagang P300 ang top corset off-shoulder na suot niya sa isang online shop sa Pilipinas.

“I spent 300 pesos on my wedding dress! The bottom part of my dress is my Something Old. It was a thoughtful gift from my sister @travelfoodfinds a year ago.”

“The corset top is something I bought from an online shop in the Philippines for less than Php 300 (6 CHF).”

Makikita naman na sadyang napakaganda ni Dionne sa suot niyang simpleng wedding dress na talaga namang bumagay sa kanya. Ayon naman sa dating PBB housemate, ay hindi umano niya kailangan ng mamahaling bagay upang maging masaya sa buhay.

“As I’ve gotten older, I realize more and more that things are just things. That I don’t need a lot to be happy.”

Para nga kay Dionne, ang respeto at pagmamahal na ibibigay sa kanya ng taong kanyang papakasalan, ay sapat ng dahilan upang lumigaya siya.

“That love & respect from people I love are more important than any material possession.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *