Connect with us

Uncategorized

Claudine Barretto, Nagkaroon ng Simpleng Selebrasyon sa kanilang Tahanan Para Ipagdiwang ang Ika-46th Birthday ni Rico Yan

Ang aktres na si Claudine Barretto ay hindi parin makalimutan ang masayang samahan nila ng kanyang yumaong ex-boyfriend na si Rico Yan. Kaya naman, ang mga masayang alaala na kanilang pinagsaluhan bilang magkasintahan noon ay nananatili parin sa puso’t isipan ng aktres.

Photo Credits : Google.com

Nito lamang ngang nakaraang Marso 15, araw ng kapanganakan ni Rico Yan, ay ginunita ng aktres ang espesyal na araw ng yumaong nobyo upang ipagdiwang ang ika-46th birthday nito.

Sa pamamagitan nga ng isang simpleng selebrasyon sa loob ng kanilang tahanan, ay ipinagdiwang ni Claudine ang kaarawan ni Rico Yan. Sa Instagram, ay ibinahagi ni Claudine ang kaganapan sa simpleng salo-salo ng kanilang pamilya sa loob ng kanilang tahanan. Ayon nga sa aktres, ay nagpasya siya na ipagdiwang ang kaarawan ni Rico Yan sa kanilang tahanan, bilang pag-alaala sa yumaong aktor.

“Since it’s the birthday of Rico, we want to celebrate and remember him. So, magkakaroon ng konting salu-salo dito sa bahay.”

Sa hiwalay namang post, ay makikita na nag-alay ng taimtim na dasal si Claudine para sa dating kasintahan. Kasama rin ni Claudine sa simpleng selebrasyon ang ilan niyang kaibigan at kanyang mga anak. Makikita pa sa isang video sa Instagram ng aktres, ay pag-awit niya ng Happy Birthday para kay Rico.

“Happy birthday, Rico. We love you and we will not forget you. Just keep watching over us. In Jesus’ mighty name. Amen.”

Samantala, maliban kay Claudine ay may ilan ring kaibigan ni Rico sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati at ginunita ang kaarawan ng yumaong aktor. Kabilang na nga rito sina Dominic Ochoa at Marvin Agustin.

Photo Credits : Google.com

Sa Instagram ni Dominic, ay ibinahagi niya ang lumang larawan ng kanyang mga kaibigang mahilig sa sasakyan kasama si Rico, at nilakipan niya ng caption na nagbabalik tanaw sa masaya nilang samahan at pagkahilig noon sa mga sasakyan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by DOM (@domochoa)

“It’s something we have in common, our passion for cars and bikes. Taken Sunday after his birthday, more than 30 cars joined, his last fun runs to Tags. We switched cars, he drove my Cooper, I drove his HKS turbo Miata. Fun times buddy! Happy Happy [birthday], RY].”

Isa namang nakakatuwang Tiktok video ang ibinahagi ni Marvin sa Instagram kung saan naglalaman ng lumang video mula sa isang pelikula nila ni Rico noon habang sumasayaw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by M A R V I N (@marvinagustin)

Matatandaan na pumanaw sa edad na 27 si Rico Yan noong March 29, 2002 dahil sa cardiac arrest na dulot ng acute hemorrhagic pancreatitis. At ang aktor na si Dominic, ang nakakita ng bangkay ni Rico sa loob ng silid ng isang hotel sa Puerto Princesa City sa Palawan.

error: Content is protected !!