Celebrity Mom Isabelle Daza, Ibinida sa Kanyang Ika-33 Taong Kaarawan ang Kanyang 33-Week-Old Baby Bump

Kasabay ng pagdiriwang ng aktres na si Isabelle Daza ng kanyang ika-33 taong kaarawan ay ang pagbandera din niya ng kanyang 33-weeks old na ring baby bump.
Nito nga lamang ika-6 ng Marso araw ng Sabado, ay nagdiwang ng kanyang ika-33th birthday ang aktres na si Isabelle Daza, at sa hindi sinasadyang pagkakataon, ay ika-33 weeks old na rin ng sanggol na ipinagbubuntis ng aktres.

Makikita nga sa Instagram post ni Isabelle, ang naging pagbabahagi niya ng kanyang larawan, kung saan ay makikitang nakasuot siya ng white dress, habang ang kanyang dalawang kamay ay nakahawak sa kanyang baby bump.

Kitang kita nga sa mukha ng actress-entrepreneur na blooming na blooming ito ngayon sa kabila ng kanyang pagbubuntis.
Samantala, saikalawang larawan naman na ibinahagi ni Isabelle, ay nakasuot naman siya ng Zoom-meeting ready top, kung saan ay ibinida niya at litaw na litaw nga ang kanyang maumbok ng tiyan.

Kalakip nga ng mga larawan na ito na ibinahagi ni Isabelle, ay ang kanyan naging caption na;

“33 at 33 weeks [partying face emoji]”

Matatandaan na noong ika-11 ng Disyembre noong nakaraang taon ng ibahagi ni Isabelle sa publiko ang kanyang pagbubuntis sa kanilang ika-2 anak ng asawa, sa pamamagitan nga ng pagbabahagi niya ng kanyang larawan habang nakasuot ng maternity frock, mula sa kanyang bagong active wear brand.

Caption niya sa naturang larawan, “btw 21 weeks today.”

Noon namang nakaraang ika-11 ng buwan ng Pebrero ay ibinandera din ng aktres ang kanyang 30-weeks old pa lamang noon na baby bump matapos niyang dumalo sa isang zoom meeting.
Ang naturang post naman na ito ay may caption na;

“A bit bloated but I can live with that, zoom ready at the top, party at the bottom #30weeks”

Batid naman nating lahat na ang ipinagbubuntis ngayon ni Isabelle, ay ang magiging ikalawang baby na nila ng kanyang asawang si Adrien Semblat.
Si Isabelle at ang kanyang asawang si Adrien Semblat ay mayroon ng panganay na anak, at ito nga ay ang kanilang anak na si Baltie, na ngayon ay 2-taong gulang na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *