Binatang Anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae Fernandez, Isa sa mga Kapamilya Star na Agaw-Pansin ang Kagwapuhan

Si Mark Anthony Fernandez, ay isa sa mga aktor na nakilala sa kanyang mga TV shows at pelikula na kinabilangan noon tulad ng “Pare Ko” at “Magarap Ka”. Kilala rin siya bilang anak ng celebrity, dahil ang kanyang ama ay ang beteranong aktor na si Rudy Fernandez, at ang ina naman niya ay ang aktres ana si Alma Moreno.

Tulad ng kanyang mga magulang, ay isa ring mahusay na aktor si Mark Anthony, kaya naman minsan na rin siyang nagkaroon ng parangal bilang ‘Best Actor’ at Best Supporting Actor’ sa kanyang ginawang pelikula, tulad ng pelikula niyang “Matimbang Pa sa Dugo.”

Samantala, tila nga nasa dugo na ng pamiya ang pagpasok sa mundo ng showbiz, dahil maging ang 19-taong gulang na binatang anak ngayon ni Mark Anthony na si Grae Fernandez, ay sinundan na rin ang yapak ng kanyang ama.

Photo credits: Grae Fernandez | IG

Tuluyan na ngan pinasok ni Grae Fernandez ang mundo ng pag-aartista, kung saan ay ipinamalas niya ang kanyang husay sa pag-arte ng mapabilang siya sa katatapos lamang na Kapamilya primetime serye na “Ang Sa Iyo ay Akin.”

Photo credits: Grae Fernandez | IG

Sa naturang serye nga ay ipinakita ni Grae ang husay niya sa pag-arte, at ito nga ay talaga namang ikina-proud ng kanyang amang si Mark Anthony.

Ibinahagi nga ni Mark sa isang panayam sa kanya, kung gaano siya kasaya na unti-unti ng natutupad ng anak niyang si Grae ang pangarap nito, lalo pa’t alam niya na nasa puso na talaga ng binate ang pag-aartista.

“I’m happy with everything that has been happening in my son now. Alam ko ‘yung puso niya. Gusto niya talagang maging artista. Natutuwa talaga ako at nagsusumikap siya”, ani Mark sa isang panayam nito.

Photo credits: Grae Fernandez | IG

May payo rin ang aktor sa kanyang anak, na ngayon nga ay nagsisimula ng gumawa ng sarili nitong pangalan sa industriya ng showbiz.

“Ako na ‘yung nagkusang loob a few times noong may pagkakataon na akong magpayo. Proud ako bilang tatay at may magandang nangyari sa kanya. Nagbibinata siya at naging independent. Huwag siyang mawalan ng patience being an actor”, dagdag na saad pa ni Mark.

Photo credits: Grae Fernandez | IG

“Trabaho lang ng trabaho. Hanap lang ng magandang kwento o magandang project at makaka-jackpot din siya na talagang markado ang role. Pwede niyang mapanalo ‘yung role at magustuhan ng tao”, pahayag pa nito.

Naibahagi naman ni Mark Anthony, na kung may isang proyekto siya na nais gawin, ito nga ay ang biopic ng dating senador na si Gringo Honasan, kung saan ay nais niya rin umanong makasama sa nasabing proyekto ang anak na si Grae.

“Can anybody convince a producer to but the story rights of Senator Gringo Honasan? Maybe Grae can also be in it or I can be in it with Grae, that will be a big project for both of us”, ani pa ni Mark.

Photo credits: Grae Fernandez | IG

“Kung maganda ang project, bakit hindi kami magsasama? We really need a good project to work together. Alam ko mangyayari din ‘yan”, dagdag na saad pa nito.

Si Grae Fernandez ay ang gumanap na “Jake” sa katatapos lamang na primetime series ng ABS-CBN na “Ang Sa Iyo ay Akin”, kung saan nga ay nakita ng maraming mga manonood ang kanyang taglay na kagwapuhan at kahusayan bilang isang nagsisimulang aktor sa industriya ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *