Bea Alonzo, Ipinasilip ang Farm House ng Kanilang Pamilya na Matatagpuan sa Zambales sa Part 2 ng kanyang Vlog

Marami ang nainspire ng aktres na si Bea Alonzo kamakailan matapos niyang ibahagi sa kanyang vlog ang kanyang napakaganda at napakalawak na farm na matatagpuan sa Zambales, na pinangalanan niyang “Beati Firma Farm”, na kanyang naipundar dahil sa kanyang pagsusumikap.

Makikita naman talaga ang bunga ng paghihirap at pagsusumikap ni Bea sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay na artista. Matatandaan na nangako naman ang aktres na sa part 2 ng kanyang vlog, ay ipapasilip naman niya ang farm house ng kanilang pamilya.

At nito lamang nga ika-20 ng Marso, ay mapapanood na sa kanyang Youtube channel ang pa-tour ng aktres sa kanilang napakagandang farm house. Magmula ng magkaroon ng pandemya sa bansa, ay nagpasya ang pamilya ni Bea na sa Zambales na manirahan. Kabilang na nga rito ang kanyang ina at kanyang step father. Maging ang kanyang kapatid na ngayon ay may sarili ng pamilya.

Sa nasabing house tour vlog ni Bea, ay inilibot niya ang mga viewers sa bawat sulok ng kanilang farm house. Magmula sa patio nito hanggang sa pinakaloob na bahagi ng bahay. Maging ang bahay ng kanyang kapatid, kung saan hindi kalayuan sa kanilang main house, ay ipinasilip rin ni Bea.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Isa naman sa mapapansin sa vlog ni Bea, ay ang pagbibigay halaga ng kanyang pamilya sa mga bagay na magbibigay sa kanila ng alaala. Katulad na lamang nga ng lumang poso, na ginawang dekorasyon at talagang napakaganda nito, dahil napakinabangan parin. At ang posong ito, ay alaala ng poso na nasa labas ng bahay nila sa Taguig na nagsisimbolo ng kanilang humble beginnings.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Makikita naman na napakaganda ng farm house nina Bea. Saad nga ng aktres, ay talagang plinano at pinag-isipang mabuti ang bawat detalye ng magiging disenyo ng bahay, upang mas maappreciate ang ganda ng view na nakapaligid sa kanila.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Unang ipinakita ni Bea ang kitchen area ng kanilang bahay kung saan ay hahangaan ang ganda ng disenyo. Kapansin-pansin naman ang mga signages na may mga iba’t ibang klaseng inspirational messages. Ito nga dahil nais ni Bea na “humble and warm” ang dating sa loob ng kanilang tahanan.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Ipinakita rin ni Bea ang kanilang dirty kitchen o mas kilala sa tawag na “pancitan” na kanyang ina ang nagbigay ng pangalan. Dito nga sila madalas magsalo-salo, na talagang maeenjoy ang sarap ng pagkain lalo na’t damang-dama rin rito ang presko at sariwang hangin.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Ibinahagi rin ni Bea ang guest house kung saan ay mayroon itong 3 silid. Ang kanilang parking area naman kung saan nakaparada ang kanilang mga sasakyan, ay ipinasadya ni Bea, kung saan ay pinagawan niya ng bubong.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Samantala, pagpasok naman sa main house ng pamilya ni Bea kung saan siya nakatira kasama ang kanyang ina at step father, ay napakaganda rin ng disenyo nito. Mapapansin nga ang pinaghalong rustic at modern design sa loob ng kanilang tahanan. Pagbabahagi naman ng aktres ay karamihan sa kanilang kagamitan ay customized, o sadyang ipinagawa para bumagay sa nais na disenyo ng aktres.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Magmula sa foyer hanggang sa bawat silid ay talagang makikita ang pagiging malikhain ng kanilang interior designer. Sa ganda ngang taglay ng bawat bahagi ng bahay ay makikita ang kalinisan at maaliwalas ring itong tingnan.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Dahil nga, hindi na nakakalakad ang ina ni Bea, ay ibinahagi ng aktres na sa loob ng bathroom nito, ay may ipinasadya siyang bench upang may maupuan ito sa tuwing naliligo, at hindi nahihirapan.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Napakalaking tulong rin ng solar power na nakakabit sa bubong ng kanilang bahay, dahil dito ay nagagawang maging sustainable ng kanilang farm.

Sa huling bahagi naman ng video, ay isang panayam ang ginawa ni Bea sa kanyang ina at step father, na kung saan ay sila ang dahilan kung bakit matagumpay at napakaganda ang farm ng kanilang pamilya.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Hindi nga maitago ng ina ni Bea ang kanyang labis na pasasalamat dahil sa pagsusumikap ng kanyang anak na si Bea ay napakagpundar ito ng farm. At ngayon nga, ay kita naman na nila ang kanilang pinaghirapan. Nagbahagi naman ng tips ang mga ito pagdating sa farming.

Pahayag naman ni Bea, ang mistulang “farmville” ng kanilang pamilya, ay mula sa kanilang sipag, tiyaga at pagtutulungan ng kanilang pamilya. Hindi man madali ang pinagdaanan ng kanilang pamilya para marating ang tagumpay ng kanilang farm, ay makikita naman na ang lahat ng kanilang hirap at sakripisyo ay nagbunga na.

Labis nga ang pasasalamat ni Bea sa kanyang ina, step father at mga staff ng kanilang farm, dahil ang kanyang naipundar na lupa noon, ay isa nang napakagandang farm ngayon.

WELCOME TO OUR FARM HOUSE (Part 2) | Bea Alonzo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *