Connect with us

Showbiz

Bagong Biling Helicopter ni Willie Revillame na Regalo Niya Para sa Kanyang Sarili, Viral Ngayon sa Social Media

Isa sa tinitingala at hinahangaang personalidad sa industriya ng showbiz pagdating sa kayamanan at dami ng ari-arian, ay ang TV host ng programang Wowowin na si Willie Revillame o kilala ng lahat bilang si Kuya Wil.

Photo Credits: Youtube.com

Hindi naman maikakaila na talagang napakabuti ng puso ni Kuya Wil kung saan ay laging bukas ang kanyang palad sa mga taong nangangailangan. Ang kanyang programa nga na mapapanood sa GMA na “Tutok to Win” sa Wowowin ay instrumento upang makapagpaabot siya ng tulong sa mga mahihirap nating kababayan.

Photo Credits: Google.com

Marami nga ang dumudulog sa kanyang programa at nagbabakasakali na mabiyayaan niya ng tulong. Dahil nga, sadyang napakalambot ng puso ni Kuya Wil ay hindi niya matiis ang mga naghihirap nating mga kababayan na mabigyan ng tulong.

Photo Credits: Google.com

Hindi lamang nga saya ang hatid ng programa ni Kuya Wil sa sambayanang Pilipino, kundi tulong na talagang inaasahan ng marami. Dahil may ginintuang-puso si Kuya Wil, ay hindi naman nakapagtataka na bumubuhos ang napakaraming biyaya sa buhay niya kung saan ay hindi siya nawawalan ng proyekto at mapagkakakitaan.

Photo Credits: Google.com

Bukod nga sa programa sa telebisyon, ay marami ring malalaking kompanya na kumukuha sa kanya bilang endorser. May ilan pa nga na idinadaan sa kanyang programa ang endorsement, upang makapagbigay rin ng tulong sa mga mahihirap.

Photo Credits: Google.com

Marami na ring naipundar si Kuya Wil mula sa kanyang pagsisikap na talaga nga namang deserve niya dahil sa kanyang kabutihan. Ilan na nga rito ang mga bahay, lupa, resort, condo at ang Wil Tower. At kamakailan lamang nga, ay isang biyaya na naman ang nakamit ni Kuya Wil sa kanyang buhay.

Photo Credits: Google.com

Ito ang bagong biling helicopter na regalo niya para sa kanyang sarili. Ang nasabing helicopter ay sadyang napakaganda, at makikita na talagang mamahalin ito. Ngunit, bukod nga sa magagamit niya ito para sa kanyang sarili, ay napakalaking tulong rin ito sa ating mga kababayan. Dahil ang nasabing helicopter, ay binili rin ni Kuya Wil upang agad na makarating sa destinasyon kapag magpapaabot siya ng tulong kapag oras ng sakuna at kamalidad.

Photo Credits: Youtube.com

Photo Credits: Youtube.com

Bukod nga sa magagamit upang mapabilis ang pagresponde sa mga nangangailangan, ay agad rin siyang makakarating sa lugar na nais niyang puntahan. Malaking bagay nga ito, lalo na ngayong panahon ng pandemya lalo na’t marami ang dumaranas ng krisis sa ating mga kababayan.

Photo Credits: Youtube.com

Talaga nga namang napakabuti ni Kuya Wil dahil mas inuuna at hindi maalis sa isip niya ang makapagbigay ng tulong sa mga taong nangangailangan, dahilan nga upang mas lalo pa siyang hangaan at mahalin ng taong bayan.

error: Content is protected !!