Baby ng Mag-Asawang Anne Curtis at Erwan Heusaff na si Baby Dahlia, Nagdiwang na ng Kanyang Ika-1 Taong Kaarawan

Labing-dalawang buwan ang matuling lumipas, mula ng isilang ng Kapamilya star na si Anne Curtis ang panganay na anak nila ng asawang si Erwan, na si baby Dahlia. Kaya naman ngayong buwan ng Marso, ay nagdiwang na ng kanyang 1-taong gulang na kaarawan ang very cute at adorable na anak ng mag-asawa.

Nito nga lamang ika-2 ng Marso taon ng kasalukuyan, ay ganap ng 1-taong gulang si baby Dahlia. At ang kanyang mga magulang na sina Anne at Erwan, ay nagbigay pasilip sa madlang pipol sa kani-kanilang social media account, ng ilang mga larawan na kuha sa naging selebrasyon ng 1st birthday ng kanilang anak.

Isa nga sa mga larawan na ibinahagi ni Anne sa kanyang Instagram account, ay ang napaka-cute na larawan ni baby Dahlia, kung saan siya’y nakaupo, nakasuot ng dress habang ngiting-ngiti, at katabi ang isang malaking number 1, na nababalutan ng succulents at iba’t ibang uri ng bulaklak.

Nilakipan nga ito ng TV host-actress ng caption na;

“She owns every little bit of my heart”, paunang saad ni Anne.
“Happy 1st Birthday to my Dahlia Amelie. I love her to the moon and back infinity times”, dagdag na pahayag pa nito.

Samantala, hindi rin naman nagpahuli ang daddy ni baby Dahlia na si Erwan, dahil makikita rin sa Instagram nito ang naging pagbabahagi nito ng nakakagigil sa kakyutan na larawan ng kanyang baby, at nilakipan nga ito ng mensahe ng pagbati para sa minamahal niyang anak.

“Here is to a year when absolutely nothing went according to plan, except for this little bright light. When days crawled and months raced by. When I became a student again and she my teacher. Happy first birthday”, caption naman ni Erwan.

Dumating sa buhay ng mag-asawang Anne, 36 at Erwan, 34 ang kanilang panganay na anak na si baby Dahlia noong buwan ng Marso noong nakaraang taon. Buwan ng Disyembre taong 2019 ng magdesisyun ang mag-asawa na magtungo sa Melbourne, Australia, at doon na nga isinilang ni Anne si babu Dahlia noong buwan ng Marso 2020.

Dahil nga sa pagkakaroon ng pandemy@, ay hindi agad nakabalik sa bansa ang mag-asawa kasama ang kanilang sanggol na si Dahlia matapos itong isilang. Kaya naman halos isang taon mahigit rin silang namalagi sa Austalia, bago pa man sila tuluyang nakabalik sa bansa nito lamang buwan ng Pebrero 2021.

Ngunit kahit nga nanatiling nasa Australia sina Anne at Erwan kasama si baby Dahlia habang ito’y lumalaki, ay palagi namang nagbibigay update ang mag-asawa sa kanilang mga tagahanga ng mga bagay-bagay patungkol sa kanilang munting anghel.

Mula sa naging pagsilang ni Baby Dahlia, ay ibinahagi na nina Anne at Erwan sa kanilang social media account ang lahat ng milestone ng anak, mula sa pagsilang, hanggang sa first solid food infant na kinain nito, unang paglakad, at maging ang unang naging paghalakhak nito.

At ngayon nga na 1-taong gulang na si Baby Dahlia, marahil ang milestone sa pagiging isang toddler naman nito ang makikita natin na ibabahagi ng mag-asawang Erwan at Anne, sa kanilang social media sa mga susunod na araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *