Angelica Panganiban, Masaya at Proud ng Ibinahagi ang Relasyon Nila ng Kanyang Non-Showbiz Boyfriend na si Gregg Homan

Noong pagpasok ng unang araw ng taong 2021, ay ginulat ng “Love Or Money” actress na si Angelica Panganiban ang kanyang mga tagahanga, ng magbahagi siya ng kanyang larawan noong New Year’s Eve na siya’y mayroon ng karelasyon.

At sa kaparehong buwan na yun ay kinumpirma ni Angge, na siya ay mayroon na ngang boyfriend, at ito nga ay kinilalang si Gregg Homan, isang non-showbiz personality.
Ayon nga sa naging pahayag ni Angge noong magkaroon ng presscon ang kanyang bagong pagbibidahan na pelikula na “Love Or Money” nu’ng ika-27 ng Pebrero, ay hindi niya intensyon na maging “big deal” ang naging pagbabahagi niya ng larawan nila ng kanyang non-showbiz boyfriend sa kanyang social media noong mismong unang araw ng bagong taon.

“Wala din namang intension na i-broadcast din. Siyempre dumating na rin ako sa point na gusto mong maging kung ano yung private eh sana manatiling private na lang kasi minsan hindi mo nakikita yung point tapos mas gumugulo pagka mas marami ng nakikisawsaw na mga tao. Lalo na hindi naman taga showbiz yung kasama ko. So, parang gusto mo ring respituhin yung privacy niya di ba? Kaya lang, artista ako so mahirap din naman na ipagdamot yun sa mga tao”, ang naging pahayag nga ng aktres.

Dagdag pa ng 34-taong ng aktres, na noong una talaga ay wala siyang plano na isapubliko ang relasyon nila ni Gregg Homan. Ngunit dahil sa kasiyahan ng puso na kanyang nadarama, ay naisip niyang minsan kailangan ding ika-ptoud ang mga ganung bagay. Na mahalaga rin na maibahagi niya sa mga tao ang saya na kanyang nararamdaman ngayon, ito ay dahil noong panahon na puro sakit at kalungkutan ang kanyang pinagdaraanan ay nandiyan ang mga taong ito upang siya ay damayan.

“Parang ayoko din naman ipagdamot ‘yung happiness na meron ako ngayon. So, sa simpleng bagay na ganun kahit papano siguro na-share ko at napakita ko sa mga tao na, ‘Uy si bakla masaya na’. So magbunyi kayong lahat, ganun”, ani Angge.

Ikinuwento rin ng aktres na hindi naman naging mahirap sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan ang mag-adjust, dahil sa isang artista ang karelasyo nito ngayon.

“Hindi naman din naging mahirap yung pag-a-adjust. May mga panahon lang na nagugulat pa rin siya pag may biglang lumalapit sa akin.”
“Sa mga ganun ganun lang siya nagugulat. Parang kailangan niya i-remind yung sarili niya na oo nga pala artsita yung kasama ko.”

Ibinahagi rin ni Angelica, na bago siya muling sumubok na pumasok sa isang relasyon ay naging hinay-hinay muna siya, at “go with the flow” lang muna.

Aminado rin ang aktres, na na-miss niya ang ganitong pakiramdam, yung saya at kilig na nararamdaman niya ngayon sa piling ni Gregg Homan.

Samantala, bago nga ang bagong pag-ibig ngayon ni Angge, ay ang huling balita na kanyang nakarelasyon ay ang aktor na si John Lloyd Cruz, kung saan ay naghiwalay sila noon pang taong 2016.
Ilan pa sa mga aktor nan a-link sa kanya ay sina Derek Ramsay, Carlo Aquino at ang kanyang co-star sa “Walang Hanggang Paalam” na si Zanjoe Marudo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *