Andrea Brillantes, Mas Pinakita ang Angking Kagandahan sa Kanyang Birthday Photo Para sa Kanyang Ika-18 Taong Kaarawan

Mas lalo pa ngang lumitaw ang taglay na kagandahan ng aktres na si Andrea Brillantes sa kanyang birthday photo shoot, kung saan ay talaga namang pinaghandaan ng aktres para sa nalalapit nga niyang debut o pagdiriwang ng kanyang ika-18th birthday.

Tama po ang inyong nabasa, ganap na ngang dalaga ang isa sa mga popular na teen star ng kanyang henerasyon.

Talaga namang nagpa-wow sa mga netizens ang birthday photo shoot ni Andrea, dahil sa ibinida niya ang kanyang taglay na kagandahan sa pamamagitan ng pagpustura ng tila si “Venus”, ang tinaguriang Diyosa ng Kagandahan.

Credits: Andrea Brillantes | Instagram

Marami sa mga netizens at tagahanga ni Andrea ang talaga namang namangha sa naging pasabog na ito ng dalaga para sa kanyang kaarawan, dahil sa talaga namang napakaganda niya at nagmukha talaga siyang “diyosa”.

Samantala, ayon sa mga naging ulat ang nasa likod ng nakamamanghang birthday photo shoot na ito ng aktres ay si Charisma Lico-Santos, na siya ngang kumuha ng mga larawan. Ang nag-ayos naman kay Andrea ay si Eldzs Mejia, at ang kanya namang magandang hair at make-up ay sina Mark Familara, Lydhon Hae at Marben Talanay ang may gawa.

Credits: Andrea Brillantes | Instagram

Ngayong araw nga, Ika-12 ng Marso ang takdang araw ng kaarawan ng aktres, kaya naman siguradong aabangan naman natin sa mga susunod na araw kung ano ang mga naging kaganapan sa ika-18 taong kaarawan nito.

Matatandaan na noong unang buwan ng taon, ay ibinida ni Andrea sa kanyang Instagram ang katuparan ng isa sa kanyang mga pangarap para sa kanyang pamilya, at ito nga ay ang naging pagbabahagi niya ng kanyang ipinatayong tatlong palapag na bahay, na ngayon nga ay tapos na.

Credits: Andrea Brillantes | Instagram

Ayon nga kay Andrea, 10-taon rin siyang nangarap bago nabigyang katuparan ang pangarap niyang tahanan.

“You were my longest (10 years) and most difficult dream to come true”, ang naging saad ng aktres sa kanyang IG post.

You have always been at the back of my mind since I was young pushing me to work harder. I’m so happy you made it this year with everything that happened”, dagdag na saad pa ni Andrea.

Credits: Andrea Brillantes | Instagram

Mas naging popular si Andrea Brillantes ng mapabilang siya sa hit series ng ABS-CBN na “Kadenang Ginto”, at ngayon nga ay muli niyang ipapakita ang kanyang angking talento bilang isa sa mga mahuhusay na aktres ng henerasyon, sa bagong seryeng kanyang kabibilangan at pagbibidahan, ito nga ay ang “Huwag Kang Mangamba”, na malapit ng ipalabas sa telebisyon sa ilalim ng Kapamilya Network.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *