Andi Eigenmann, Ipinasilip ang Masayang Bonding ng kanilang Pamilya Ngayong Nakabalik na Sila sa Siargao; Nagbigay rin ng Update sa Kanilang Ipinapagawang Bahay

Sa pagbabalik isla ng pamilya nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa Siargao, ay simula rin ang muli nilang paghahatid ng saya sa kanilang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanilang mga nakakatuwang vlog na mapapanood sa kanilang Youtube channel.

Marami na nga ang nakaabang sa kanilang everyday life kung saan ay masisilayan ang kanilang simple at masayang pamumuhay sa isla. Sa dami nga ng mga taong walang sumusuporta sa kanilang pamilya ay umabot na ng 1.9 Million ang subscribers ng kanilang Youtube channel na “Happy Islander”.

Sa latest vlog ng Happy Islander na ibinahagi nitong ika-28 ng Marso, ay ipinasilip ni Andi ang masayang bonding ng kanilang pamilya ngayong nakabalik na sila sa isla ng Siargao. Nagbigay rin ng update si Andi sa ipinapagawa nilang bahay.

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Ngayon nga, ay sa ipinapagawang bahay nakatira sina Andi ngunit ayon sa aktres ay isang kwarto lamang ang kanilang ginagamit.

Sa unang bahagi ng video ay makikita na nasa harap ng bahay si Philmar na abala sa pagsasaayos ng mga halaman. Ayon kay Andi ay napakasipag ni Philmar sa pagpapaganda ng bakuran ng kanilang bahay.

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Ipinakilala rin ni Andi ang bagong miyembro ng kanilang pamilya, ang alaga nilang aso na isang pitbull. Pagbabahagi ni Andi, ay katatapos lamang ng vaccine nito. Itatali naman nila pansamantala ang kanilang aso habang di pa tapos gawin ang kulungan nito upang maging ligtas sa anumang sakit.

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Makikita rin nagkaroon ng breaktime si Philmar para makapagpahinga. At habang namamahinga ay nagmeryenda sila ng mangga at buko. Makikita na sarap na sarap sa pagkain ng buko si Baby Lilo.

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Samantala, ipinasilip rin ni Andi ang loob ng kanilang silid, kung saan makikitang naglalaro si Baby Lilo ng kanyang mga laruan na mula sa Maynila. Makikita rin ang sweet moments nina Baby Koa at Ellie na naglalambingan.

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Pagsapit naman ng hapunan ay ang paboritong pagkain ni Andi na inalupihang dagat ang kanilang pinagsaluhan. Pinaresan naman ito ng kinilaw at pritong isda, at hindi rin mawawala ang mainit na kanin.

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Talaga nga namang napakasimple ng kanilang pamumuhay sa isla. Patunay lamang nito na nakasanayan at komportable na si Andi pati na rin ang kanyang mga anak sa buhay na kanilang kinagisnan sa isla. Sa kanilang bonding moments naman, ay masisilayan ang masaya at puno ng pagmamahal na pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *