Ama ni Janella Salvador na si Juan Miguel, Hindi Maitago ang Kasiyahan sa Unang Naging Pagtatagpo Nila ng Kanyang Napaka-Cute na Apo na si Baby Jude

Mula ng ipakilala ng aktres sa publiko ang anak nila ni Markus Paterson, na si Baby Jude ay marami sa kanyang mga kapamilya, malalapit na kaibigan at tagahanga, ang talaga namang excited ng masilayan sa personal ang kanyang napa-cute na baby boy.

Matatandaan na naging lihim sa lahat ang naging pagbubuntis ni Janella, at tanging ang kapamilya at malalapit na kaibigan lamang niya sa industriya angnaka-alam ng kanyang naging pagdadalang-tao, hanggang sa siya nga ay magsilang.

Sa ibang bansa ipinagbuntis at isinilang ni Janella, si Baby Jude, kaya naman, marami sa mga kapamilya ng aktres, kabilang na ang kanyang si Juan Miguel ang hindi pa nakikita sa personal ang naturang sanggol.

Kaya naman nito lamang nakaraan, ng mabalitang nagbalik bansa na si Janella, kasama ang kanyang kasintahang si Markus at ang kanilang anak na si Baby Jude, ay talaga namang ikinatuwa ito ng marami, lalo na nga ng mga kapamilya nila.

Isa nga sa mga talagang excited ng makita si Baby Jude, ay ang ama ni Janella, na si Juan Miguel Salvador. Kaya naman hindi maitago ng naturang ama ng aktres, ang kanyang kasiyahan ng una niyang masilayan at kanya ng mahawakan ang kanyang napaka-cute na apo.

Makikita nga sa mga larawan na kuha sa naging unang pagkikita ng mag-lolo na tuwang tuwa ang ito, sa pakikipag-bonding sa kanyang apo.
Kitang-kita rin sa reaksyon at mga ngiti ni Juan Miguel Salvador sa mga larawan na lumabas sa social media, na mahal na mahal nito si Baby Jude, at labis ang kanyang kasiyahan habang karga-karga niya ang apo.

Dahil nga sa naging ‘heartwarming’ ang naging unang pagkikita ng mag-lolo [baby Jude at Juan Miguel Salvador] ay hind inga naiwasan na maging viral ito.

Samantala, ayon nga sa naging ulat ng KAMI, apat na taong gulag pa lamang si Janella Salvador ng maghiwalay ang kanyang mga magulang na sina Juan Miguel Salvador at Jenine Desiderio.
Ang ama ni Janella na si Juan Miguel Salvador, ay kilala bilang isang Awit Award-winning songwriter. Maliban pa dito ay kilala rin siya bilang dating laed singer ng Rage band.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *