Connect with us

Showbiz

Alex Gonzaga, Nagtungo sa Lansangan Upang Mamahagi ng P100,000 sa Kanyang mga Subscribers Matapos Makamit ang 10 Milyon Subscribers sa Kanyang Youtube Channel

Talaga nga namang nakakaaliw ang mga vlog ng isa sa pinakasikat at hinahangaang vlogger sa bansa na si Alex Gonzaga. Likas na ang pagiging palabiro ni Alex, na kung saan ay nagbibigay saya at naghahatid ng goodvibes sa kanyang mga tagapanood.

Dahil nga dito, ay hindi nakapagtataka na ang sipag at tyaga ni Alex sa pagba-vlog upang mabigyan ng kasiyahan ang kantang mga subscribers sa kanyang Youtube channel, ay nagbunga na, at ngayon nga ay umabot na ito ng 10 milyon subscribers.

Photo Credits: Youtube.com | Alex Gonzaga – Morada

At kamakailan nga, upang ipaabot ang pasasalamat ni Alex sa kanyang mga subscribers, ay naisip niya na pasayahin ito sa pamamagitan ng pamamahagi ng salapi. At para nga sa pagdiriwang ng 10 Milyon subscribers sa kanyang Youtube Channel, ay literal na nagtungo si Alex sa lansangan upang mamahagi ng perang nagkakahalaga ng P100,000.

Photo Credits: Youtube.com | Alex Gonzaga – Morada

Sa latest vlog ni Alex, kung saan kasama niya ang kanyang Uncle Jojo, ay naghanap sila ng mga tao sa lansangan kung ito ba ay subscriber ni Alex.

Photo Credits: Youtube.com | Alex Gonzaga – Morada

“Hi netizens, dahil nga nag 10 million na tayo, maraming salamat. Ngayon ay mamimigay tayo ng salapi sa ating mga netizens. Iikot tayo ngayon at hahanapin namin kayo,” bungad ni Alex.

Iba’t ibang klase ng tao gaya ng construction worker, security guard at kahit sinong dumaan, ang hindi pinalampas ni Alex upang sumalang sa kanyang Q&A para mapatunayan kung ang mga ito’y tunay niyang subscriber. At ilan nga sa mga naging katanungan, ay kung anong vlog ni Alex ang huli nilang napanood. Natanong rin kung ano ang pangalan ng ina ni Akex, at kung ano ang pangalan ng asawa ni Alex.

Photo Credits: Youtube.com | Alex Gonzaga – Morada

Bagamat marami ang kilala si Alex at nasagot ang mga katanungan, ay marami rin ang hindi nakasagot at walang alam sa kanyang Youtube Channel. Kaya naman, umandar ang pagiging komedyante ni Alex at idinaan na lamang ito sa biro kung saan ay biglang umiyak sa kanyang Mommy Pinty at sinabi na baka hindi totoo ang kanyang 10 milyon subscribers.

Photo Credits: Youtube.com | Alex Gonzaga – Morada

Muli, ay nakapaghatid si Alex ng tuwa sa mga netizens na kung saan ay humanga sa kanyang ginawa. Dahilan nga nito, para maging viral ang kanyang vlog na umabot na ng mahigit 2.6 milyon views.

Tatlong taon nang nagba-vlog si Alex bago niya makamit ang 10 Milyon subscribers sa kanyang Youtube Channel. Matatandaan na minsan nang ibinahagi ni Alex, na pinasok niya ang mundo ng vlogging dahil pakiramdam umano niya ay walang nanonood sa kanya sa telebisyon.

Photo Credits: Youtube.com | Alex Gonzaga – Morada

Sa isang Instagram post naman, ay ibinahagi niya ang kanyang labis na pasasalamat at kaligayahan sa nakamit niyang tagumpay bilang isang vlogger.

“So can you imagine how grateful and happy I am to have all of you! Nothing is impossible with Jesus.”

 

error: Content is protected !!