Connect with us

Uncategorized

Aktres na si Erich Gonzales, masayang ibinahagi ang naging road trip niya kasama ang Kuya

Isa sa mga pinaka magagaling na aktres sa showbiz business ngayon si Erich Gonzales. Hindi na maikakaila sa kanya ang kanyang galing pag-arte. Pinasok na rin ni Erich ang pagiging isang vlogger sa youtube. Sa pagvlo-vlogg ni Erich, unti-unti siyang nakilala ng tao dahil sa kanyang magiging masayahin. Kaya naman kamakailan lamang, ay nagkaroon ng pagkakataon si Erich na makasama ang isa sa importanteng tao sa kanyang buhay ito ay ang kanyang kuya.

Photo Credits : Youtube.com | Erich Gonzales

Kaya sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Erich ang pagdating ng kanyang kuya mula pa sa Davao City. Sa pagdating ng kanyang kuya, ay ipinasyal agad ito ni Erich sa lugar na gusto nitong puntahan ang Tagaytay City. Kaya upang maenjoy ng kanyang kuya ang pagpunta nito sa Tagaytay, nagkaroon sila ng masayang road trip at si Erich ang naging driver. Masayang nagkakukulitan sila Erich habang sila ay nasa road trip. Ipinasyal ni Erich ang kanyang kuya sa napaka-gandang lugar ng Tagaytay.

Photo Credits : Youtube.com | Erich Gonzales

Makikita sa video, na sobra silang nag-enjoy sa kanilang naging pagkain na ipinakita pa ni Erich ang bawat klase ng pagkain. Ito ang kanilang naging unang stop over. Ibinahagi rin Erich ang isa sa mga napaka-gandang tanawin ng lugar kung saan siya ay napapakanta pa. Isa rin sa mga next stop nila Erich, ang isa ring magandang tanawin na halos tanaw na ang dagat. Sa gitna ng kanilang masayang road trip ay kitang-kita ang kagandahan ng lugar. Sa kanilang pagro-road trip ay hindi nawawala ang mga tawanan, kulitan at masayang kwentuhan.

Photo Credits : Youtube.com | Erich Gonzales

Ibinahagi rin ni Erich, ang magandang kulay ng kalangitan sa pagbaba ng sinag ng araw. Ang kanilang naging last stop over, ay ang kanilang dinner time kung saan ito ay naging kanilang masayang bonding dahil sa kanilang masayang kwentuhan.

Photo Credits : Youtube.com | Erich Gonzales

Sadyang sinusulit lamang ni Erich, ang mga oras na maka-bonding ang kanyang kuya dahil laging malayo si Erich sa kanyang pamilya. Makikita naman sa video, na nag-eenjoy silang magkapatid sa kanilang naging road trip. Takip-silim na nang matapos ang kanilang road trip at naging sulit naman ang kanilang road trip dahil nakikita ni Erich na sobrang nag-enjoy ang kanyang kuya.

 

error: Content is protected !!