Aktres na si Empress Shuck, Ikinasal Na Kay Vino Guinguona ang Kanyang Long-Time Boyfriend at Siya Ring Ama ng Kanyang Anak

Ang buwan ng Marso ang isa sa mga pinakamasayang buwan ng taong ito para sa aktres na si Empress Shuck. Ito ay dahil sa buwang ito, naganap ang hindi malilimutang pangyayari sa kanyang buhay, at ito nga ay ang pagiging isa na niyang ganap na misis at asawa ng kanyang long-time boyfriend na si Vino Guinguona.

Hindi nga kayo nagkakamali, dahil ikinasal na nga ang nasabing aktres sa kanyang long-time boyfriend.

Nito nga lamang araw ng Sabado, ika-6 ng Marso taon ng kasalukuyan ay ganap ng Mrs. Guinguona si Empress Shuck. Dahil naganap na ang matagal na niyang pinakahihintay, ang maikasal sa taong labis niyang minamahal.

Ang kasal ng dalawa ay idinaos sa Hillcreek Gardens Tagaytay, base nga sa naging pagbabahagi ng Nice Print Photo, ang official photographer sa kasal nina Empress at Vino.
Samantala, marami naman sa atin ang nakababatid na si Empress Shuck ay mayroon ng limang-taong gulang na anak, at ito nga ay si Athalia, at ang ama nga nito ay walang iba kundi si Vino.
Makikita naman sa social media account ni Empress, na wala pa itong anumang post patungkol sa kanyang naging pagpapakasal.

Ngunit isa sa kanyang mga naging bisita, na kanya ngang matron of honor na si Camille Makasiar ay makikitang may post tungkol sa naging kasal ng aktres.

“The road wasn’t always smooth and easy for Empress and Vino. There were challenges, heartaches and trials but they were only mere chapters of the story of Empress.
“Those chapters had to happen for the story to eventually lead us all here today. The beginning of Empress, happily ever after.”

Ang official photographer nga sa kasal nina Empress ay ang Nice Print Photo, ang nagbahagi ng ilang mga larawan na kuha sa kasal ng dalawa, kung saan isa nga sa mga larawan ay makikita ang ‘first kiss’ nina Empress at Vino, bilang mag-asawa na.

Matatandaan na nag-propose si Vino kay Empress, noong ika-27 ng Setyembre taong 2020, kasabay ng pagdiriwang ng ika-5th birthday ng anak nilang si Athalia.

Kung babalikan nga ang naging post ni Empress noong ika-28 ng Setyembre 2020, ay sinabi ng aktres na sa pagdiriwang ng ika-5 taong kaarawan ng kanyang anak na si Athalia, ay naghanda siya ng isang surprise Frozen-themed mini birthday party para sa anak. Ngunit, ang hindi inasahan ni Empress, na sa kasagsagan ng kanilang pagpapa-picture taking, ay biglang lumuhod sa kanyang harap si Vino, inialay sa kanya ang isang engagement ring sabay alok na pakasalan na niya ito, na agad naman niyang sinagot ng ‘Yes’.

Makikita rin sa naging post na ito ni Empress ang naging pasasalamat niya kay Vino, dahil sa itinaon talaga nito na magpropose sa kaarawan ng kanilang anak, kung saan ay saksi sa nangyari ring proposal ang lahat ng mga mahal nila sa buhay.

Taong 2015 ng unang mabalita ang relasyon ni Empress at Vino, nang mabalita ang pagbubuntis ng aktres. Isinilang naman ni Empress ang anak nilang si Athalia, noong ika-27 ng Setyembre taong 2015.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *