Aktres na si Bea Alonzo, Itinuturing na Best “Achievement” ang Naipundar Niyang “Huge Farm” sa Zambales

Bawat isa sa atin ay may “best achievement” na itinuturing sa ating buhay, at para nga sa 33-taong gulang na aktres na si Bea Alonzo ang kanyang best achievement ay ang napundar niyang malawak na lupain na matatagpuan sa probinsya ng Zambales.

Taong 2011 ng mabili ng aktres ang nasabing lupain, at mula nga noon ay ang kanya ng ina na si Mary Anne ang tumitingin at nangangalaga dito.
Ang naturang farm ng aktres sa Zambales ay mayroong 16 hektaryang lapad ng lupain, at ito nga ay tinawag niyang “Beati Firma” isang latin word na ang ibig ngang sabihin ay “Blessed Farm.”

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube Channel

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube Channel

Noon ngang ika-11 ng Pebrero taong 2021 sa isang virtual session ni Bea sa PEP.ph, ay ibinahagi ng aktres na sa panahon ng pandemya ay naging “safe haven” ng kanyang pamilya ang naturang farm niya sa Zambales. Inamin rin niya na noong una ay medyo nahirapan siya sa farm dahil sa magastos umano talaga.

“Medyo mahirap lang siya at first, at sa totoo lang magastos, pero now it’s okay, it’s self-sustaining”, ani Bea.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube Channel

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube Channel

“Sina mama doon nakatira talaga. Dati kasi 50 percent [of] the time doon sila sa farm; and then 50 percent of the time nandito sila sa bahay dito sa Pasig. But then ever since the pandemic hit, definitely nadoon na talaga sila. My brother also decided to live there, so he built his own house there. May baby na kasi siya ngayon.. they’re afraid to go back to Manila. Ako din parang mas ease ako na nandun sila”, dagdag na saad pa ng aktres.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube Channel

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube Channel

Ayon nga sa naging pahayag ng aktres, mas kampante siya na nasa farm sa Zambales ang kanyang pamilya, lalo na ngayon na hindi pa rin humuhupa ang patuloy na pagkalat ng pandemya sa ating bansa.

Chika pa ni Bea, hindi niya pinagsisihan at talagang very happy siya na nag-invest siya sa Zambales.

“Right now, I’m just very happy na nung 2011, I decided to invest sa Zambales”, ani pa ng aktres.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube Channel

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube Channel

Ibinahagi rin ni Bea, na ang beteranang aktres na si Isabel Rivas, na dati niyang co-star sa 2011 ABS-CBN series na Guns and Roses ang naging daan upang makabili siya ng lupain sa Zambales.

“Nagpunta si mama noon sa set, nakilala niya si Tita Isabel.. Chumika-chika kami, ganyan. Nachika niya na meron siyang farm sa Zambales. In-invite niya kami na punta kami and, that time, may ino-offer siyang lupa sa amin na malapit sa farm nila”, sey ni Bea.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube Channel

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube Channel

Saad pa ng aktres, ang pangalan ng kanyang farm na “Beati Firma” ay nalalapit rin sa kanyang screen name, at naging sey nga niya sa PEP.ph, na talagang blessing ang pangalan niyang yun.

“”True to its name, naging blessing sa akin iyong name na iyon.”

“It really change my life when I became Bea.”

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube Channel

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube Channel

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube Channel

Marahil ay marami pa rin sa atin ang hindi nakakaalam na ang tunay na pangalan ni Bea Alonzo ay Phylbert Angelie, at ang talent manager ng Star Magic/founde ng ABS-CBN na si Sir Johnny Manahan ang nagbigay sa kanya ng screen name niya.

WELCOME TO OUR FARM! (Beati Firma Farm Tour Part 1) | Bea Alonzo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *