Sa pagiging simple at napaka-humble na pagkatao ng aktres na si Bea Alonzo, ay talagang hindi maikakaila na nag-uumapaw rin ang biyayang dumarating sa kanyang buhay. Ilang taon nang nagtatrabaho sa showbiz si Bea bilang isang mahusay na aktres, at sa panahong ito ay talagang inuuna niya ang kapakanan ng kanyang pamilya, at nailagay sa tama ang bawat salaping kanyang pinagpaguran.
Photo credits: Bea Alonzo | Youtube
Photo credits: Bea Alonzo | Youtube
Nito lamang ika-13 ng Marso sa vlog na mapapanood sa kanyang Youtube channel, ay ipinasilip ng award-winning aktres, ang isa sa property na kanyang naipundar na mula sa kanyang pagsisikap. Ito nga ang “Beati Firma Farm”, ang napakalawak na farm na pagmamay-ari ng aktres na matatagpuan sa Zambales.
Photo credits: Bea Alonzo | Youtube
Bungad ni Bea sa video, ay nadiskubre nila ang farm sa tulong ng batikang aktres na si Isabel Rivas noong 2011, kung saan ay inimbitahan umano sila sa farm nito. At inalok na ipakita ang bakanteng lupa na kalapit lamang ng farm ng aktres na ngayon ay farm na ng pamilya nina Bea.
Photo credits: Bea Alonzo | Youtube
Photo credits: Bea Alonzo | Youtube
Sa unang pagkakataon nga ay ipinakita ni Bea sa kanyang mga tagahanga ang naipundar na farm para sa kanilang pamilya. Pagbubunyag naman ni Bea ay malaki ang pagkahilig ng kanyang ina sa farming kung kaya’t ang pangarap nito na magkaroon ng sariling farm ay naisakatuparan na. Ang ina nga mismo ni Bea, ang nagsaayos ng farm sa tulong na rin ng kanilang mga tauhan.
Photo credits: Bea Alonzo | Youtube
Photo credits: Bea Alonzo | Youtube
Makikita naman rito ang farmhouse ng pamilya ni Bea kung saan kasalukuyang nakatira ang kanyang ina at kanyang kapatid. May ipinatayo ring bahay si Bea para sa kanilang katiwala sa kanilang napakalawak ng farm.
Kasama ang katiwala sa kanilang farm, ay lumibot si Bea sa buong farm upang ipakita kung anong mga bagay ang masisilayan rito.
Photo credits: Bea Alonzo | Youtube
Makikita na may mga nakatanim ritong punong kahoy tulad ng Mahagony trees na ngayon ay walang taon na. May mga puno rin ng mangga na talagang makikita na magkahanay na magkahanay ang pagkakatanim. Isa nga ang mangga sa produktong naaani ng kanilang pamilya sa farm. Sa pagitan naman ng mga punong mangga, ay may nakatanim ring puno ng kalamansi na kanila ring pinagkakakitaan.
Photo credits: Bea Alonzo | Youtube
Photo credits: Bea Alonzo | Youtube
Bukod naman sa mga nakatanim na puno, ay mga alaga rin silang iba’t ibang klase ng hayop. Ilan nga sa mga ito ay mga bakang puti na kung saan ay talagang organic ang kanilang pinapakain. Nakakatulong rin ang baka, upang mapanatiling malinis ang kapaligiran sa pagkain ng mga damo. Maging ang mga mangga nga, ay mistulang nakatrim ang ibabang bahagi dahil kinakain rin ng baka ang dahon nito.
Photo credits: Bea Alonzo | Youtube
Photo credits: Bea Alonzo | Youtube
May makikita ring tupa, manok, bibe, kambing, baboy at maging isdang tilapya sa farm nina Bea. Ang fish pond na may lamang tilapya ay matatagpuan sa tree house kung saan ay una nilang nadatnan noong binili nila ang lupa. Sa buong farm ay pawang organic ang ginagamit nina Bea, at hindi gumagamit ng anumang pestisides.
Photo credits: Bea Alonzo | Youtube
Photo credits: Bea Alonzo | Youtube
Sadyang napakabuti rin ng puso ni Bea, sapagkat may nakalaan ring espasyo para sa kanilang mga tauhan kung saan nga, ay sinisimulan na ang pagpapatayo sa magiging tahanan ng mga ito.
Photo credits: Bea Alonzo | Youtube
Photo credits: Bea Alonzo | Youtube
Talaga nga namang kahanga-hanga ang pagsususmikap ni Bea, sapagkat ang noon na pangarap na farm para sa kanyang pamilya, ngayon nga ay naisakatuparan na. Ayon nga sa aktres, ang pagtatrabaho at pagsusumikap niya ay hindi niya akalaing magbubunga ng ganito. Saad pa nga niya, ay pwedeng mangarap at magpursige kahit sino. Dahil niya mismo, ay nangarap at nagpursige lang rin sa buhay upang matupad ang kanyang pangarap.