Aktres at Vlogger na si Ivana Alawi, Pinag-shopping ang Nagpaiyak sa Kanya na Kutsinta Vendor at Tumulong sa Kanya nang Magpanggap Siyang Pulubi

Naging maingay ang pangalan ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi nitong nakaraang linggo. Ito nga ay matapos mag-viral ang kanyang vlog kung saan nagpanggap siyang pulubi. Marami ang naantig na ginawang ito ni Ivana, na hindi nagdalawang isip na magpaabot ng tulong sa mga taong tumulong rin sa kanya kahit walang-wala ang mga ito.

At isa nga sa talagang bumihag sa puso ni Ivana sa lahat ng tumulong sa kanya ay ang kunsinta vendor na talagang nagpaiyak sa kanya sa ipinakita nitong kabutihan kung saan ay binigyan ng pera, at ibibili rin ng maiinom na softdrinks sa tindahan. Matatandaan nga na sinabi ni Ivana na hahanapin niya si Tatay na nakilala bilang si Joselito Martinez upang mas lalo pa niyang matulungan. Si Tatay Joselito ay 58 taong gulang na tubong Ormoc, at kasalukuyang naninirahan sa Laguna.

At ngayon nga, ay laman na naman ng social media si Ivana. Ngunit sa pagkakataong ito, ay labis na kaligayan ang kanyang nadarama. Dahil ang hinahanap niyang si Tatay Joselito ay nakita na niya at kasama na niya ngayon.

Kumakalat ngayon sa social media ang larawan ni Ivana kasama si Tatay Joselito. Sa Instagram post ng isa sa mga tagahanga ni Ivana, ay makikita na kasama nga ni Ivana ang taong nagpaiyak sa kanya dahil sa napakabuti nitong puso, si Tatay Joselito sa loob ng isang appliance center. Base sa mga larawan, ay tila pinag-shashopping ito ni Ivana ng mga kagamitan.

May larawan ring ibinahagi kung saan makikita naman na nakasakay si Ivana sa isang motor. At paniniwala naman ng mga netizens, ay ibibigay rin ito ni Tatay Joselito. Matatandaan kasi na sinabi ni Tatay Joselito kay Ivana ang plano niyang bumili ng bike upang magamit sa kanyang hanapbuhay.


Samantala, sa ilang video namang ibinahagi ng netizens, ay makikita naman na masayang kumakain ang aktres kasama si Tatay Joselito. Tila nga napakasaya ni Tatay Joselito, dahil napakapalad niya at isang tulad ni Ivana ang dumating sa buhay niya upang matulungan siya.


Matatandaan ang nakakaantig na tagpo nina Ivana at Tatay Joselito, habang nag-uusap nang tanungin ito ni Ivana, kung bakit siya nito binigyan ng pera kahit na nahihirapan itong kumita ng pera sa paglalako ng panindang kakanin.

“Ganyan talaga ako Ma’am ‘pag may nanghihingi ng tulong sa akin. Binibigyan ko”,madamdaming sambit ni Tatay Joselito kay Ivana.

“Sobrang bait niyo. Tatay, pinaiyak niyo ako,” sagot naman ni Ivana kay Tatay Joselito dahil sa ginawang pagtulong sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *