“Akala nila peke ito. Pinaghirapan ko ito,” Aktor na si Zoren Legaspi, Proud na Ibinahagi na Pinaghirapan niya ang Makapasok sa Highway Patrol Group

Ang programang “Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition”, na mapapanood sa GMA, ay binubuo ng pamilya ng mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi kasama ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy. Sa isang episode ng programa, ay ibinahagi ni Zoren na siya ay isa nang ganap na miyembro ng highway patrol group o HPG.

Napanood rin ng mga manonood sa episode ng programa ang kanyang pagganap bilang miyembro ng HPG. Ibinahagi naman ni Zoren ang bago niyang tungkulin nang pumunta sila sa kanilang rest house sa Batangas.

Proud namang ipinakita ni Zoren ang suot niyang uniporme ng HPG, na ayon nga sa aktor, ay hindi madali ang pinagdaanan dahil talagang pinaghirapan niya itong makuha.

“Akala nila peke ito. Pinaghirapan ko ito, hon,”paglilinaw ni Zoren.

Photo credits: Zoren Legaspi | IG

Maituturing nga na bagong achievement ito ni Zoren sa kanyang buhay. Kaya naman, ang kanyang asawang si Carmina ay proud na proud rin sa bagong tungkulin ng kanyang Mister.

“Si tatay po ay… nag-training ka for HPG.”

Photo credits: Zoren Legaspi | IG

Ibinahagi naman ni Zoren na hindi madali ang makapasok sa HPG, na kung saan ay talagang sinasala. At sa mga civilian nga na sumalang, ay isa siya sa mapalad na nakapasok upang mapabilang sa mga miyembro nito.

“’Yung mga civilian, hindi basta-basta nakaka-penetrate doon, so mga selected civilian lang ‘yung maaari. Ako ang isa sa mga lucky civilians na napasama sa grupo kaya pinaghirapan ko ito.”

Dahil nga sa pinaghirapang achievement na ito ni Zoren, ay nakatanggap naman siya ng pagbati mula sa kanyang asawang si Carmina.

Photo credits: Zoren Legaspi | IG

Saad nga ng aktres,“Congratulations to him dahil talagang like he said, pinaghirapan talaga niya ‘yan.”

Samantala, nagpakitang gilas naman si Zoren kung saan ay ipinakita ang kanyang husay sa pagmamaneho ng motor.

“Nakita mo naman mabait ako mag-motor ‘di ba?,”saad ni Zoren.

Ang tungkulin ng HPG ay hindi basta-basta, dahil sila ang dahilan kung bakit tahimik at ligtas ang ating mga kalsada. Ayon nga sa website ng Official Gazette, ang HPG ay may tungkulin na mag-enforce ng traffic laws and regulations, pati na rin ang panatilihing ligtas ang mga kalsada.

Maliban naman sa achievement ni Zoren, ay ipinakita rin sa nasabing episode ng programa ang masayang bonding ng kanilang pamilya sa kanilang rest house sa Batangas. Makikita nga na talagang enjoy ang kanilang pamilya sa iba’t ibang aktibidad. At syempre, hindi rin mawawala ang inihandang yummy recipe ni Carmina na pagsasaluhan ng kanilang, upang mas lalo pa nilang maenjoy ang bawat sandali na magkasama.