Ai-Ai Delas Alas, Walang Mapagsidlan ang Saya Dahil sa Matagumpay na Pagtatapos ng Kanyang Anak na si Sophia sa Kolehiyo

Ang pagtatapos ng mga anak sa kanilang pag-aaral ay isa sa mga tagumpay na maituturing ng kanilang mga magulang, kaya naman talagang makikita sa mga magulang ang labis labis na kaligayahan kapag nakikita nila ang kanilang mga anak na nakatapak sa entablado, nakasuot ng togang itim at hawak-hawak ang kanilang diploma.

Isa na nga sa mga magulang ngayon na walang kasing saya at ‘very proud’ ang nadarama, ay ang popular na TV host – comedienne na si Ai-Ai Delas Alas matapos niyang ibahagi ang naging pagtatapos ng kanyang anak.

Makikita sa Instagram post ni Ai-Ai ang kanyang naging mahabang mensahe, kung saan ay ipinagmalaki ng 56-taong gulang na TV host – comedienne, ang isa sa mga achievement na kanyang natupad bilang isang ina, at ito nga ay ang mapagtapos ang kanyang bunsong anak na si Sophia.

“Una sa lahat CONGRATULATIONS aking bunso at only daughter SOPHIA ANDREA DELAS ALAS at gagraduate na siya sa wakas wohoooo”, ang naging bungad ng ani Ai-Ai sa kanyang mahabang mensahe.

Dagdag na saad pa niya;

“Nagpapasalamat ako sa POONG MAYKAPAL at MAMA MARY sa pag gabay sa akin bilang isang ina na maitaguyod ko ang pag-aaral ng aking anak.. naiiyak ako sa tuwa aktwali naiiyak talaga ako so iiyak na ko hehe parang nabigyan uli ako ng papal award at international acting award sa nangyayareng ito sobra sobrang throphy ito anak.”

Ayon nga sa naging mensahe ni Ai-Ai, ang nadarama niyang kasiyahan ngayon na napagtapos na niya ang kanyang anak, ay tilad tulad sa nadarama niya kaligayahan kapag siya ay nakatatanggap ng parangal sa kanyang trabaho.

Maliban pa nga sa pagbabahagi ng kaligayahan na kanyang nadarama bilang isang magulang na na-achieve ng mapagtapos ang anak, ay pinasalamatan rin ni Ai-Ai ang mga tao na tumulong sa pag-abot ng tagumpay nito.

“Bawat magulang ay yan ang pangarap ang mapagtapos ang kanilang mga anak.. nagpapasalamat din ako kay Miguel (papa ni Budang) at sa kanyang maybahayna si Pricilla dahil noon wala pa kaming bahay sa Amerika doon tumira ang anak ko habang nag-aaral siya ng highchool at first year college salamat @pricillsalud.. napaka agang pang valentines at bday ni lord ito para sa akin. Salamat DLSU sa ilang taong pamamalagi nya sa unibersidad na yan… Im so proud of you baby girl budangdin, budang kulotski, budaski… andrea,, I love you so dearly anak @sophdelasalas.. ANIMO LASALLE”, ani pa ng komedyante.

Si AI-ai Delas Alas ay may tatlong anak, ang dalawang panganay ay puro lalaki na sina Sancho at Sean, at ang bunso nga at kanyang hunica hija ay si Sophia.
Marami naman sa atin ang nakakabatid na ngayon ay ‘happily married’ na si Ai-Ai sa kanyang asawa na si Gerlad Sibayan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *