Connect with us

Entertainment

Umani ng Paghanga sa mga Netizens ang Isang Amang Security Guard, Dahil sa Nagagawa Nitong Pagsabayin ang Trabaho at Pag-aalaga sa Kanyang May Sakit na Anak

Wala nga namang makakatumbas sa pagmamahal ng isang magulang sa kanyang mga anak, dahil kahit anong sakripisyo ay nakakayanan nila, masigurado lamang na naalagaan nila ang mga ito, at nabibigay nila anuman ang pangangailangan ng mga ito sa abot ng kanilang makakaya.

Isa sa maituturing nating pinakamahirap na ginagawa ng isang magulang, ay ang alagaan ang kanilang mga anak, kasabay ang gawaing bahay o di kaya naman ay ang kanilang trabaho na pinagkukunan nila ng ikabubuhay.




Tunay nga naman na minsan ay may mga pagkakataon na nakakakita tayo, na ang isang magulang ay binibitbit ang kanilang mga anak sa kanilang paghahanap buhay, ito man ay hindi magandang tingnan para sa iba o delikado para sa bata, ay wala naman silang magagawa lalo na kung hinihingi ng sitwasyon na dalhin nila ang kanilang anak, imbis na iwan nila ito ng walang mag-aalaga.

Halimbawa na nga lamang nito, ay ang amang security guard sa isang pawnshop na sa kabila ng pagtatrabaho ay kasa-kasama nito ang anak, at ito’y inaalagaan.

Photo credits: Jeff Magno | FB

Kamakailan nga lamang ay kumalat online ang mga larawan ng isang amang security guard, na matiyagang inaalagaan ang kanyang anak, kahit pa nga ba siya ay duty sa kanyang trabaho sa isang pawnshop.

Ayon sa mga naging ulat, ang mga larawan na ito ay ibinahagi ng isang netizens, na kinilalang si Jeff Magno, kasabay nito ay ang naging pagki-kwento niya, kung bakit bitbit ng amang sekyu ang kanyang anak kahit ito’y nasa duty.

Kwento ni Jeff, kasama niya ang kanyang pamangkin ng pumila siya sa isan pawnshop, at dito na nga niya napansin na may kalong kalong na bata ang security guard ng kanyang pinipilahang pawnshop.
Dala ng kanyang curiosity, ay nilapitan niya ang security guard at tinanong ito kung ano nito ang bata, at bakit naroon ito at kanyang inaalagaan. Naantig naman ang puso ni Jeff sa naging kwento sa kanya ng nasabing security guard.

Napag-alaman nga ni Jeff, na anak pala ni manong security guard ang batang kalong-kalong at inaalagaan nito. At dahil sa walang mag-aalaga dito, idagdag pa na may sakit ito dahil sa isinilang ito na pre-mature, ay anging solusyon na lamang ng ama na isama ang anak sa kanyang trabaho, upang maalagaan at mabantayan niya ito.

Photo credits: Jeff Magno | FB

Tulad nga ng isang apoy, ay agad na kumalat sa social media ang nakak-antig na kwento na ito ng mag-ama, at ang pagiging isang huwaran at mapagmahal na ama ng nasabing security guard ay talaga namang hinangaan ng maraming mga netizens.




Maliban pa nga sa paghanga sa amang sekyu, ay pinuri rin ng mga netizens ang pinagtatrabahuan nitong pawnshop, dahil sa naiintindihan nila ang sitwasyon at kalagayan ng kanilang empleyado.
Narito nga ang naging paglalahad ni Jeff Magno sa kanyang social media account, patungkol sa kwento ng amang security guard na inaalagaan ang anak habang naka-duty sa trabaho.
“Share ko lang po.

Kaninang tanghali sa Cebuana Lhuillier sa Pacita branch, habang kami ay nakapila ng aking pamangkin naantig ang puso ko sa isang security guard na may bitbit na bata habang siya’y naka-duty. Tinanong ko si manong guard kung may sakit ba yung anak nya, ang sabi nya sa akin pinanganak kasing premature ang anak niya kaya matamlay ito.

Photo credits: Jeff Magno | FB

Nabilib lang ako sa kanya dahil sinisikao nyang pagsabayin ang kanyang trabaho at pag-aalaga sa kanyang anak. Saludo ako sayo manong guard napakabuti mong ama!”

Heto naman ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens;

“Kudos din po dun sa employer ni manong guard kasi naiintindihan niya ang sitwasyon at pumayag na magduty c manong kasama ang anak niya”

“Sana ay may mga ama pang kagaya mo amnong guard saludo aq sau godbless u po sa pagiging mabuting ama sa anak mo…”

“Wow ang galng ni kuya tlgang napakabuti u at dakilang tatay sana marmi pa ang katulad u sna ingatan kau ng ating ‘Papa Jesus’ sa araw2 u na pag ttrabaho my be “GOD BLESS U ALWAYS” bkt d Mrs ang mag-alaga sir ang hrap nman ng kalagayan mo, OK humhanga me sau at saludo pa me sau pa) palain ka nawa “AMEN” [red heart emoji] ”

error: Content is protected !!