Ngayong nagdaang araw ng mga puso ay sari-saring mga pakulo ang ating nasaksihan na ginawa ng iba’t-ibang mga personalidad na nagpakilig sa atin ng lubusan.
Image courtesy: Kim Chiu/Instagram
Image courtesy: Kim Chiu/Instagram
Merong mga magkasintahan na nagdiwang ng simple lamang. Meron ding mas pinili na sorpresahin ang kanilang mga magulang at meron din naman na gusto lamang mapag-isa at mag-liwaliw sa ibang lugar.
Image courtesy: Kim Chiu/Instagram
Image courtesy: Kim Chiu/Instagram
Dito mo masasabi na ang araw ng mga puso ay hindi lamang para sa magkasintahan. Ngunit maiba tayo sa ginawa ni Xian Lim, na kung saan ay nagawa nitong sorpresahin ang kanyang kasintahan na si Kim Chiu sa araw ng mga puso ng isang out of town trip.
Image courtesy: Kim Chiu/Instagram
Image courtesy: Kim Chiu/Instagram
Makikita ang sorpresa na ito sa social media post ng aktres na kung saan ay makikitang magkasama ang dalawa at mapapansin ang isang maliit na eroplano sa kanilang likod.
Image courtesy: Kim Chiu/Instagram
Hindi akalain ni Kim Chiu na dadalhin umano siya ni Xian sa Coron, Palawan sa araw mismo ng mga puso. Nanatili ang magkasintahan ng isang buong araw sa isla upang ipagdiwang ang araw na iyon.
Image courtesy: Kim Chiu/Instagram
Saad ni Kim sa kanyang post na ramdam na ramdam umano niya ang araw ng mga puso dahil sa sorpresa sa kanya ni Xian. Dagdag pa ng aktres na nagising umano siya na merong napakagandang sorpresa sa kaniya at pabiro din niyang banat na sadyang hindi din nauubusan ng mga sorpresa ang kanyang kasintahan na si Xian.
Image courtesy: Kim Chiu/Instagram
Dagdag pa ng aktres na iyong una akala niya na kung saang out of town ang tinutukoy ng aktor sa kanya ng yayain siya nito. Ngunit laking gulat niya ng puntahan ng aktres ang address na ibinigay ng aktor sa kanya at makita na merong naghihintay sa kanila na eroplano na papuntang Palawan.
Image courtesy: Kim Chiu/Instagram
Pabirong banat ulit ng aktres na hindi siya handa sa lakad na ito ngunit nalusaw ang kanyang puso sa sobrang kilig at sweet ng aktor.
Image courtesy: Kim Chiu/Instagram
Ikinatuwa at ikinakilig ng mga netizens ang naturang ginawa ni Xian. Mapapasabi ka nalang talaga ng sana all meron pa Coron, Palawan sa araw ng mga puso.