Sinurpresa ng may-ari ng isang bikeshop ang isang Lolong araw-araw dumadaan sa kaniyang bikeshop upang makiusap na makabili siya ng bike sa halagang Php2,000

Marami na ang nagbabago sa panahon ngayon, hindi lang buhay ng tao pati na rin ang takbo ng komunidad. Isa sa mga naidulot ng pandemiyang ito ay ang pagkabawas ng mga sasakyan na naglalabas ng maruruming usok.




Kung kaya’t nauso ngayon ay paggamit ng mga bisekleta dahil na rin sa protocol ng social distancing sa mga pampublikong mga sasakyan. Maganda rin naman ang naidudulot ng paggamit ng bisekleta sa pang-araw-araw na trabaho, dahil bukod sa nakakatipid sa pamasahe nakakapag-ehersisyo ka pa sa araw-araw. Ngunit hindi lahat ng tao ay pinapalad na magkaroon ng bisekleta dahil na rin sa hirap ng buhay ngayon.

Photo Credits: Facebook.com

Katulad na lamang ng kwento ng isang Lolong na naging usapan-usapan ngayon sa social media, dahil sa araw-araw na pagdaan nito sa isang bikeshop upang makiusap na makabili siya ng bike na nagkakahalaga lamang ng Php2,000.

Ang lolong ito ay halos dalawang beses sa isang araw kung dumaan sa tindahan ng mga bisekleta upang magtanong kung may available bang bisekleta sa murang halaga lamang.




Sa pagdaan nito sa umaga at pag-uwi nito sa hapon ay lagi niyang dinadaanan ang bikeshop. Kaya kamakailan lamang ay nagkaroong ng mini MTB na bisekleta ang bikeshop na lagi niyang dinadaanan at halos araw-araw na siyang nagtatanong simula nung makita niya ang mini MTB na bisekleta na kung maaari niya ba itong mabili sa halagang P2,000 lamang.

Photo Credits: Facebook.com

Dahil na rin sa mahal ang halaga ng bisekletang gusto ni lolo hindi ito kayang ibigay ng maaari sa halagang gusto niya. Sa kagustuhan ni lolo na mabili ang bisekleta araw-araw niyang pinakikiusapan ang may-ari na kung maaari na niyang mabili ito sa halagang gusto niya.

Dahil na rin sa hirap ng buhay ang halagang Php2,000 na lamang ang kaniyang naipon upang makabili ng gusto niyang bisekleta ngunit sa pagkakataong iyon hindi na siya nabigo.

Sa videong ibinahagi ng grupo ng Facebook Page ng CARBS, makikita rito kung paano sinurpresa si lolo ng may-ari ng bikeshop. Saktong magbibigay si lolo ng kaniyang pambayad na Php2,000 at hihingi na lamang ito ng resibo laking gulat na lamang niyang ibinalik ng may-ari ang kaniyang ibinayad, at sinabi sa kaniya na kunin na niya ang bisekleta dahil ito ay regalo na lamang sa kaniya ng may-ari ng bikeshop.




Kaya labis ang tuwa at pasasalamat ni lolo sa kaniyang natanggap na regalo dahil na ito na maglalakad mula Nichols patungong Makati upang magbenta ng mga kendi.


Dahil sa kabutihang loob ng may-ari, namangha sa kaniya ang mga netizens na labis nagpaantig ng kanilang mga puso. Kagaya na lamang ng mga ito,

Photo Credits: Facebook.com

“Sobrang nakaka Goodvibes talaga kapag ganito ang bubungad sa umaga mo, godbless sainyon mam sana ay marami pa kayong matulungan at lalong lumaki ang inyong negosyo. At sayo Lolo ingat palage Goodhealth always”.

Photo Credits: Facebook.com

“Saludo sayo Mam! Grabe tuwang tuwa si Tatay. Para sa iba napaka maliit na bagay pero para sa amin sobrang laking tulong niyan naway magkaroon kayo palage ng malakas na pangangatawan at dumami pa sana ang katulad niyo na may mabubuting puso”.




Sa panahon ng kahirapan ngayon marami pa rin ang mga taong may butihing puso na nagbibigay ng tulong sa kapuwa nila nangangailangan. Nawa’y pagpalain pa ang mga kagaya nila.