Silipin ang Walang Kupas na Karisma at Ganda ni Tiyang Amy Perez ng It’s Showtime sa Kanyang mga Ibinahaging Throwback Photo

Si Amy Perez ay isa sa mga popular at hinahangaang aktres, host at radio presenter sa mundo ng showbiz. Sa ngayon ay mas kilala siya ng madlang pipol bilang si Tiyang Amy ng noontime show ng Kapamilya network na It’s Showtime.

Kung ikaw ay naging tagasubaybay ni Tiyang Amy mula ng siya’y mag-umpisa ng kanyang karera sa showbiz, ay kapansin-pansin na mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang angking karisma at kagandahan na taglay ng beteran TV host-actress.

Sa naging pagsabak ni Tiyang Amy sa “I’m Just a Kid’ challenge ay ipinakita nga ng It’s Showtime host ang kanyang mga throwback photo noong kanyang kabataan.

At sa naging pagbabalik-tanaw nga, ay makikita na noon pa mang bata pa si Tiyang Amy ay maiksi na talaga ang kanyang buhok, at napansin nga ng kanyang mga co-host na tila walang nagbago sa kanyang mukha, dahil sa napakabata pa rin niya tingnan hanggang ngayon kahit na nga ba nagkaka-edad na rin siya.

Samantala, para sa kaalaman ng lahat, taong 1986 pa ng magsimula ang karera ni Amy Perez sa industriya ng showbiz, kung saan ay naging isa siya sa mga regular na fixture ng noontime variety show noon na ‘Kalatog Pinggan.’

Ilan pa sa mga unang programa na kanyang kinabilangan noon ay ang noontime show noon ng ABS-CBN na “Isang Linggo Na Po Sila” na napapanood tuwing araw ng Lunes hanggang Biyernes, at ang “Sa Linggo na Po Sila” na mapapanood naman tuwing weekend.

Matatandaan rin na naging parte siya ng isa sa mga naging popular na noontime show noon ng ABS-CBN na “Magandang Tanghali Bayan”, kung saan ay nakasama niya ang trio na sina John, Willie at Randy.

Dahil nga sa kanyang husay sa pagiging isang TV host ay nagkaroon rin si Tiyang Amy ng kanyang sariling show, at ito nga ay ang talk show na MRS at ang game show na The Singing Bee.

Maliban pa sa pagho-host ay pinasok rin niya nag pag-aartista o pag-arte sa harap ng kamera. Ilan nga sa mga drama series kung saan natin siya napanood ay ang “Sa Dulo ng Walang Hanggan’, “Gulong ng Palad”, at “Only You”.

Napabilang rin siya sa iconic sitcom na “Palibhasa Lalaki”, at mga pelikula tulad ng action-drama film na “Anak ni Baby Ama” at ang sexy comedy film na “Flavor of the Month.”

Naging dependable current affairs personality rin si Tiyang Amy noon sa service-oriented show na Kabuhayang Swak na Swak, at sa morning news program ng Kapamilya na “Umagang Kay Ganda.”

Marahil ay marami rin sa atin ang hindi nakaka-alam na nagtrabaho rin si Tiyang Amy bilang DJ noon sa FM radio station 101.9 Radio Romance na ngayon nga ay ang MOR na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *