Silipin ang mga Year Book Write-ups ng mga Sikat na Artistang Ito

Ang mga sikat na artista sa showbiz ay talagang hinahangaan natin dahil sa kanilang magandang mukha at husay sa pag-arte. Ngunit, bago pa man sila sumikat sa industriya ng showbiz, ay naging mga mag-aaral muna sila sa kani-kanilang paaralan.




Alamin kung anong klaseng estudyante noon ang ating mga hinahangaang artista sa kanilang year book write-ups.

Maine Mendoza

Ang binansagang Yaya Dub na unang nakilala sa segment ng Eat Bulaga na Kalyeserye, at naging Phenomemal star, na si Maine Mendoza ay dating mag-aaral sa Paul College-Bulacan. Hindi maikakaila ang angking kagandahan ni Maine, kaya naman isa sa talagang mababasa sa kanyang year book ay ang pagkakaroon niya ng “distinguished beauty” kung kaya’t isa siyang “head turner” sa kanilang paaralan.

Marian Rivera

Ang Kapuso Primetime Queen naman na si Marian Rivera, ay talaga namang beauty and brain. Siya nga ay nagtapos sa BS-Psychology sa DLSU-Dasmariñas, kung saan ay talagang hinangaan ang kanyang taglay na ganda. Sa kanyang year book nga, nakasaad ang ang kanyang ganda ay tinaguriang “a face that could launch a thousand ships” kagaya ni Helen of Troy.

Dingdong Dantes

Katulad nga ng kanyang asawa ngayon na si Marian, ay talagang hinangaan rin ng kanyang schoolmates ang Primetime King na si Dingdong Dantes. Si Dingdong ay nagtapos ng high school sa Ateneo de Manila University, na talaga namang good looking.

Kris Aquino

Tinagurian namang “Miss Showbiz” ang Queen of all Media na si Kris Aquino ng kanyang batch. Hindi lamang nga pang showbiz ang dating ni Kris, dahil kahit sa paaralang Colegio de San Agustin-Makati kung saan siya nagtapos ay talagang hinahangaan rin siya.




Sunshine Cruz

Ang mestisa beauty naman na si Sunshine Cruz, ay nakasaad na sa kanyang year book ang plano niyang pagpasok sa showbiz gamit ang kanyang kahanga-hangang mga talento.

Carla Abellana

Hindi lamang nga ganda ang taglay na katangian ng aktres na si Carla Abellana, kundi napakatalino rin niya. Isa ngang beauty and brains ang aktres na nagtapos bilang Cum Laude honors sa DLSU-Manila.

Alma Concepcion

“I am always 100% in everything I do in life,” ito naman ang matalinhagang salitang makikita sa year book ng Binibining Pilipinas-International 1994 na si Alma Concepcion. Sa UP Diliman nagtapos si Alma kung saan kumuha siya ng kursong BS Interior Design.




Tekla

Ang komedyante naman ngayong si Tekla, ay pangarap palang maging isang professional at matagumpay na recording artist. Sa kanyang vlog kung saan nakasama niya si Donita Nose, ay ipinasilip ni Tekla na itong ang kanyang isinulat sa kanyang yearbook noong highschool. Nagbahagi naman ng nakakatawang kwento si Tekla patungkol sa suot niya sa larawan niya sa yearbook.

“Dahil sa sobrang hirap, kasi working student lang ako. Itong polo na puti na yan ukay lang yan. ‘Tapos alam mo ‘yung necktie na yan, alam mo kung ano yan?

“’Yung parang ribbon, medyas ko yan na itim, ginawa kong [ribbon] tapos tinahi ko sa gitna.”