Silipin ang masayang Camping ng pamilya ni Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo

Ngayong pagpasok ng taon ay marami tayong nababalitaan na mga artista ang nagpafamily-bonding sa iba’t ibang lugar. Sa kadahilanang gusto nilang makasama ang kanilang pamilya at makapagpahinga mula sa nakakapagod na trabaho.


Image courtesy: Apple Azuma/Instagram

Hindi lang basta sapat na manatili lamang sa tahanan kundi lumalabas sila at pumupunta sa lugar na kung saan makakalanghap sila ng sariwang hangin.


Image courtesy: Apple Azuma/Instagram

Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na gawin ang mga aktibidades na ito kasama ang buong pamilya at mas higit na nakakataba din ng puso na makita mo ang buong mong pamilya na abot tenga ang ngiti sa inyong ginagawa.

Tulad na lamang ng pamilya ni Judy Ann Santos Agoncillo at Ryan Agoncillo na nagawang magcamping kasama ang buong pamilya.


Image courtesy: Apple Azuma/Instagram

Wala naman siguro ang hindi nakakakilala sa pamilya Agoncillo na alam naman natin na mahilig ang mga ito sa pag-gawa ng mga bagay na masaya kasama ang isa’t-isa.


Image courtesy: Apple Azuma/Instagram

Nito nga lang nakaraang araw ay makikita ang mga bidyo na inupload ng aktres sa kanyang social media account na nakakatuwang panuorin.


Image courtesy: Apple Azuma/Instagram

Mapapanuod natin sa mga bidyo na ibinahagi ng aktres ang katuwaan nilang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak na talaga namang kikiligin ka.

Ang kaganapan na ito ay kasabay ng kanilang pagdiriwang ng ika-11 anibersaryo nina Judy Ann at Ryan. Maririnig din sa bidyo na nagtatawagan ang mag-asawa bilang Campdaddy at Campmommy na ikinatuwa ng netizens dahil sa cute pakinggan ng mga ito.


Image courtesy: Judy Ann Santos/Instagram

Bukod sa mag-asawa mapapanuod din na ang mga anak nila na masayang nagbobonding din habang nagluluto ng kanilang kakainin.

Kung ating natatandaan kasalukuyang hindi na masyado aktibo ang aktres sa kanyang showbusiness life dahil mas pinipili nito na gamitin ang kanyang napagtapusan at ito ay walang iba kundi ang pagiging chef.


Image courtesy: Judy Ann Santos/Instagram

Samantala ang kanyang asawa na si Ryan Agoncillo ay patuloy pa ding nanatili bilang isang host ng kilalang programa na pinamagatang Eat Bulaga.


Image courtesy: Judy Ann Santos/Instagram

Sa post na din na ito ay mapapansin natin na ang laki na ng mga anak ng mag-asawa na patunay lamang na mabilis na lumilipas ang panahon.


Image courtesy: Judy Ann Santos/Instagram

Isa ang pamilyang Agoncillo na matatawag mong isang family model dahil sa kanilang mga ginagawa na kakapulutan mo ng masasayang aktibidades at magagandang aral sa pagpapalaki ng mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *