Sampol King Jhong Hilario at Long time partner nito na si Maia Azores ay magkakaroon na ng Baby

Hindi mapantayang saya ang nararamdaman ng dalawang nagmamahalan kapag nalaman nila na nagbunga na ito ng isang biyaya. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman dahil sa unang pagkakataon ay magkakaroon na kayo ng anghel na inyong pagkakaabalahan.


Image courtesy: Jhong Hilario/Instagram

Isang malaking paghahanda ang tinututukan ng maigi upang maibigay ang buong suporta at pagmamahal na gustong iparamdam. Tulad na lamang ng aktor at kilalang host na si Jhong Hilario na sa unang pagkakataon ay magiging isang ganap nang magulang sila ng kanyang matagal nang kinakasama na si Maia Azores.


Image courtesy: Jhong Hilario/Instagram

Kung ating natatandaan na noong nakaraang taon lamang ay inanunsyo ni Jhong Hilario na buntis ang kanyang partner na si Maia at inaasahan niyang manganak ito ngayong taon. Kamakailan lamang ay nag-anunsyo ulit ito dahil sa unang pagkakataon alam na nila ang kasarian ng kanilang magiging anak at ito ay isang babae.


Image courtesy: Jhong Hilario/Instagram

Ikinagalak ng mga tagasuporta at netizens ang balita na ito at madami ang nagpahatid ng kanilang pagbati sa aktor at sa kanyang partner.


Image courtesy: Jhong Hilario/Instagram


Image courtesy: Jhong Hilario/Instagram

Saad ng aktor na hindi lamang halos nakakalungkot na pangyayari ang kanilang naranasan nito lamang nagdaang-taon dahil sa pandemya kundi mayroon din umano itong dalang pag-asa at pagpapala na bigay ng panginoon, at ito ay walang iba kundi ang kanilang unang baby.


Image courtesy: Jhong Hilario/Instagram

Kung atin din babalikan ang isa sa mga post na litrato ng aktor sa kanyang social media account ay mababasa natin na siya ay lubos na nagpapasalamat sa panginoon diyos sa biyaya na binigay sa kanila at ito ay matuturing nila na pinakamagandang regalo na kanyang natanggap.


Image courtesy: Jhong Hilario/Instagram

Para sa ating kaalaman na si Jhong Hilario at Maia ay matagal ng mag karelasyon na umaabot na ng 7 taon. Sa kabila ng pagkakaroon ng malayong agwat sa edad ay hindi ito naging hadlang para sa kanilang matamis na pagmamahalan.


Image courtesy: Maia Azores/Instagram

Kung atin ding matatandaan na mayroon nang naging unang asawa ang host ngunit sa huli ay naghiwalay silang dalawa.


Image courtesy: Maia Azores/Instagram

Sa kasalukuyang hindi na iyon alintana ng aktor at ni Maia dahil masaya na sila sa mga nangyayari sa buhay nila at pagmamahalan lalo na ngayon na magkakaroon na sila ng anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *